Alessandra sa mga naging relasyon: Punumpuno siya ng drama, pwede naman palang chill lang | Bandera

Alessandra sa mga naging relasyon: Punumpuno siya ng drama, pwede naman palang chill lang

Ervin Santiago |December 01,2020
facebook
share this

Alessandra sa mga naging relasyon: Punumpuno siya ng drama, pwede naman palang chill lang

Ervin Santiago - December 01, 2020 - 09:24 AM

SINGLE man sa edad na 36, maligaya at kuntento pa rin sa buhay niya ngayon ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi.

Naniniwala si Alex na magiging happy ang buhay kahit walang lovelife, basta kasama ang mga taong pinagkakatiwalaan niya at ang mga nagtitiwala sa kanya.

Nag-share ng kanyang love experience si Alessandra sa nakaraang episode ng digital show na “Share Ko Lang,” kasama ang psychologist na si Dr. Anna Tuazon.

Ayon sa dalaga, natutunan at na-realize raw niya sa pagdaan ng panahon na hindi naman pala dapat ginagawang kumplikado ang pakikipagrelasyon.

“Sa mga relationships ko before kasi siguro dahil younger din ako, younger din sila, parang it was so full of drama.

“So, puwede naman palang chill lang. Puwede pala ‘yun na mayroon kang partner na hindi kayo nag-aaway, hindi pinag-aawayan ‘yung mga bagay na hindi dapat pag-awayan,” pahayag ni Alex.

Pahayag pa ng dalaga, napakahalaga sa isang relasyon ng respeto dahil aniya kapag ito raw ang nawala yung love at tiwala ay hindi na maibabalik.

Deal breaker din sa kanya ang cheating dahil kahit pa raw hindi na ito ulitin ng partner niya, “You’re never gonna be the same person again. Tsaka for me betrayal talaga siya, eh. Kaya mahirap na uling magtiwala.”

Sabi naman ni Doc Anna, karamihan daw kasi sa mga tao ay nais magkaroon ng exciting at makulay na relasyon, na kung minsan ay nauuwi nga sa matinding drama.

“In real life, real relationships, hindi kailangan ng tension, climax, hindi kailangan ng big conflict, hindi kailangan ng third person coming in to change things up,” chika ni Doc.

Super um-agree naman si Alex sa sinabi ng doktor at nagsabing ang kailangan lang niya ay isang taong maiintindihan ang ugali mo at ganu’n din siya sa yo.

“‘Yung parang somebody na kayang sakyan ‘yung trip mo, kaya mo ring sakyan ‘yung trip niya, without the drama,” chika pa ng aktres.

Dagdag pa ng younger sister ni Assunta de Rossi, malaki rin ang nagagawa ng “maturity” ng dalawang taong nasa relasyon dahil mas naha-handle nila nang maayos ang kanilang mga issue.

“Ngayon tumatanda na ako, I just want peace and quiet and people who trust me and whom I trust also. ‘Yun lang pala yung kailangan ko,” ang pahayag pa ni Alessandra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung may isang female star na nagagawang itago ang kanyang lovelife sa publiko, lalung-lalo na sa media, yan ay walang iba kundi si Alex. Hangga’t maaari ay gusto niyang gawing pribado ang pakikipagrelasyon niya para nga naman iwas tsismis at intriga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending