Cesar Montano ama nga ng anak ni Sandra Seifert, chika ng kolumnistang BFF ng aktor

Screengrab mula sa Instagram ni Sandra Seifert

Yes po, anak nga siya ni Cesar Montano.

Eto ang ibinunyag ng Inquirer columnist na si Dolly Anne Carvajal tungkol sa limang-taong gulang na anak ni Miss Earth Philippines 2009 Sandra Seifert.

Sa kanyang regular column na Dollywood, sinabi ni Dolly Anne na hiningi niya ang permiso ni Sandra matapos na ipost nito  sa Instagram ang picture ng anak niyang si Corinth Ian na yakap at hinahalikan ni Cesar.

At ang sagot ni Sandra, “Yes, maybe you could ask your BFF muna if he gives you answers. It could be a good opportunity for you to get his insights directly, which are more rare for the press.”

Sabi naman ni Cesar na BFF ng kolumnista: “Will ask permission from Sandra, BFF. Pero ikaw lang ang may right to write about that.”

Bagama’t wala nang relasyon sina Cesar at Sandra, sinabi ni Dolly Anne na regular namang ibinibigay ni Buboy ang obligasyon nito sa bata.

“Even if Sandra and BFF are no longer a couple, they will always be coparents to their cute li’l boy,” wika pa ni Dolly Anne.

Maaalalang na-chismis na may relasyon sina Cesar at Sandra noon pa mang 2015 at maugong ang balitang nabuntis nga ng 58-anyos na si Cesar si Sandra, 36.

Read more...