Payong mag-move on ni Manay Lolit kina Sunshine at Cesar sinagot ng aktres: ‘My ex-husband is none of my business’

May payo ang beteranang showbiz writer at talent manager kina Sunshine Cruz at Cesar Montano: Move on na!

“Dapat wala na silang pakialam sa isa’t isa,” eto ang sabi ni Manay Lolit sa caption niya sa combination photos ng dating mag-asawa.

“Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon ‘gulo’ between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them,” ani Lolit.

“Sana naman matapos na , lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila,” wika pa niya.

Na-annul ang kasal nina Cesar at Sunshine noong Setyembre 2018. May tatlo silang anak na babae, sina Angelina, Sam, at Cheska.

Muling napag-usapan ang dalawa matapos na mag-post si Miss Earth Philippines 2009 Sandra Seifert sa Instagram ng larawan ni Cesar Montano habang yakap at hinahalikan ang limang-tanong anak ng dating beauty queen, si Corinth Ian.

Maaalalang na-chismis na may relasyon ang dalawa noon pa mang 2015 at maugong ang balitang nabuntis ng 58-anyos na si Cesar si Sandra, 36.

Payo ni Manay Lolit, quiet na lang.

“Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa,” wika niya.

“Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan. Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue,” dagdag ni Lolit.

“Dapat wala na silang pakialam sa isa’t isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words,” pagtatapos niya.

May bahid ng taray ang sagot dito ni Sunshine.

“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word,” panimula ni Sunshine.

“My ex husband is none of my business. Annulled na po kami,” dagdag niya.

“I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho.☺️”

Read more...