LOOK: PHLPost naglabas ng 2020 Christmas stamps

Inilabas ng Philippine Postal Corporation ang disenyo ng Christmas stamps ngayong 2020.

Ayon sa PHLPost, bagaman maraming paghihirap ang naranasan ngayong taon, ang Christmas stamp ay magpapaalala ng pagsasama-sama ng pamilyang Pilipino.

At ang pagsasama-sama ng pamilya ay mahalaga para maiwaksi ang mga pag-aalala at maging puno pa rin ng pag-asa.

Sinabi ng PHLPost na naging puno ng hamon at pagsubok ang taong 2020 lalo na dahil sa ga nagdaang bagyo at sa pandemya ng COVID-19.

Sa kabila nito sinabi ng PHLPost na mayroon pa ding liwanag na aasahan ang bansa.

Read more...