Dasal ni Vice kay Lord para sa kanila ni Ion: Bigyan pa Niya tayo ng mahabang panahong magkasama

MULING ibinandera ni Vice Ganda ang abot-langit na pagmamahal niya para sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Ito’y sa pamamagitan ng birthday message niya kay Ion na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, Nov. 27.

Idinaan ni Vice sa Instagram ang super sweet at pakilig na birthday greeting niya sa binata kalakip ang litrato nila together at isang mirror selfie ni Ion na kuha habang nasa gym.

“‘Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag-isip ng bonggang mga salita.

“Pero hindi, eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo, ‘yun ang maganda.

“Kung ano yung sinsero, ‘yun ang maganda. Kaya ‘di ko na aartehan,” simulang emote ni Vice sa caption.

“Happy birthday Benigno!!! Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka niya. Na ipahintulot Niyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras.

“At sana bigyan Niya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa.

“Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hangga’t mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda!

“Happy birthday Noy!!!!! Mahal na mahal ka ni Tutoy!” aniya pa.

Nitong nakaraang buwan, nag-celebrate ng second anniversary ang magdyowa at kamakailan lang ay nagbakasyon pa sila sa Balesin Island kung saan inabot pa sila ng bagsik ng bagyong Ulysses.

At bilang anniversary gift, gumawa at nag-record pa si Vice ng kanta para kay Ion, ang “Mahal Ako ng Mahal Ko.”

Read more...