MISS n’yo na ba ang mga pasabog na exclusive interview ng nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda sa mga paborito n’yong celebrities?
Bukod sa pagtatanim sa kanyang bonggang farm sa Lipa, Batangas at ilang digital shows, may bago pang pagkakaabalahan ngayon si Tito Boy na talaga namang love na love pa rin niyang gawin.
Muling mapapanood ang award-winning TV host sa kasama ang mga top at trending celebrities sa isang exclusive, in-depth conversation with his signature rapid fire questions.
At yan ay mapapanood na bukas, Nov. 28, 4 p.m, sa The Puregold Channel na pinamagatang “Sabado Bago Live”.
Patuloy ang Puregold Price Club, Inc. sa commitment nito sa pag-innovate at pag-break ng new grounds sa nalalapit na launching ng pilot episode ng pinakabagong online talk na “Sabado Bago Live” na ipalalabas sa official Facebook page ng Puregold.
Ang “Sabado Bago Live” ay ang latest addition sa exciting roster of shows na nag-i-stream sa TPC. Maghahain ang show ng diverse range of topics kasama nga ang host nitong si Boy Abunda at ang kanyang co-host na si Gretchen Ho.
Mula sa newest highlights sa larangan ng brand marketing at newsworthy personalities, hanggang sa latest celebrity updates at hottest online trends, maaaring abangan ng mga netizens ang lingguhang source ng refreshing information at entertainment sa bawat episode.
Ilan sa mga highly-anticipated segments ng show ay ang “T.O.P Trending Online Posts,” kung saan magbibigay ang programa ng rundown ng mga trending social media buzz at entertainment news kada linggo; “The Full Blast,” kung saan ipapakita ang istorya ng mga normal na tao na naging viral sa web; at “Launch Pad,” na isang segment na naka-focus sa mga brand partners ng Puregold kung saan ipakikilala ang kanilang mga first-in-market products at campaigns at pati na rin ang isang espesyal na segment kasama si Tito Boy.
“Espesyal ang relationship ko sa Puregold. Pamilya ko sila and I feel that I am home. This is the very first time that I will be doing something like this in this format, streaming on a social media platform. Hindi ko alam how the show will turn out at sobra akong excited,” sey ng King of Talk.
Binuo ang “Sabado Bago Live” upang makapagbigay ng quality, topnotch entertainment sa milyun-milyong mga pamilyang Pinoy na nasa kanilang mga tahanan dahil sa pandemiya.
Dinisenyo ang lingguhang talk show para sa viewing pleasure ng mga loyal online supporters ng Puregold na aabot sa halos 3 million followers sa pinagsanib-sanib na platforms ng Facebook, Twitter, Instagram at YouTube.
Para sa mga updates sa “Sabado Bago Live” at sa iba pang fantastic content ng TPC, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram, Twitter at YouTube.