AKO pala si Darwin ng Iloilo. Tanong ko po dok pag may bukol ka sa gilid ng dila, may sakit ka na ba ng AIDS? Ano po ang gamot don dok? Nag bleed pa ang gums ko. Ang pinanggagamot ko po ay Betadine gurgle lang po.
Kailangan magpatingin ka Darwin sa doctor para ma-eksamin ang iyong bukol. Kung duda ka sa HIV-AIDS, magpa-test ka. Posibleng ang bukol ay “inflammatory” lamang at maaari din na “tumor”.
Hello doc heal.. Good day po sa inyo. I’m JP, 30 years old from Commonwealth, Quezon city. Tanong ko lang po kung anong gamot nitong tuhod at beywang ko na bigla na lang sumakit at hirap ako maglakad. Isang linggo ko na itong nararamdaman. Wala naman akong injury sa mga parteng yun. Hindi kaya ito epekto sa paghinto ko sa paglaro ko ng basketball o pag jogging kasi busy na ako sa aking trabaho araw-araw. Doc sana matulungan nyo po ako para po sa pamilya ko. Maraming salamat and more power po sa inyo.
Pwede ka ba magpakuha ng URIC ACID sa blood at ESR para malaman kung Gouty Arthritis yan. Ikaw ba a mahilig uminom ng Beer? Pansamantalang uminom ka ng Myonal 1 tab 3x a day, Celebrex 400mg 1 cap daily. Sa mga susunod na araw, tatalakayin natin ang tungkol sa gout at athritis.
James, taga-Davao.30. Good morning doc Heal, lagi pong pabalik-balik ang pangangati malapit s aking ari..Siguro pilas o kaya ay hadhad kasi malapit sa aking private part. Lagi po akong gumagamit ng gamot na Canesten cream pero hindi naman po nawawala, sobrang kati po. Ano po ba mabisang gamot?
Importante ang kalinisan. Mayroong mga “genital lesions” na bacterial, viral at hindi lang fungal na pwedeng gamutin ng Canesten. Kadalasan kapag fungi, abot isang buwan ang gamutan, kung hindi, pabalikbalik yan. Pahiran mo muna ng Quadriderm for 2 weeks then Canesten for 2 weeks.
Good pm po, doc.. Ano po ba ang sanhi ng reflux disease,at meron po ba itong komplikasyon sa iba parte katawan. Kasi po hindi ko pa din maiwasan uminom ng kape. Salamat po. — Lita, 48, Makati City
Ang GERD ay nagyayari kapag mataas ang pressure sa abdomen, gaya ng katabaan at katakawan. Minsan ito ay dahil sa maluwag na daanan ng esophagus sa diaphragm, HIATAL HERNIA ang tawag dito. Ang madalas na sintomas ay ang madalas na pag-dighay, sore throat at pag-ubo, maasim ang panlasa, mahapdi sa gitna ng sikmura, at parang mahangin sa tiyan. Pwede magkaroon ng Pneumonia dahil sa reflux disease. Maaaring magdulot ng Barret’s Esophagus ang matagal na Reflux Disease, na pwede naman humantong sa kanser ng esophagus. Dapat ang hapunan mo ay mga tatlong oras bago matulog, huwag kumain ng marami sa gabi, uminom nf Metoclopramide tablets at bedtime, mga antacids, Proton Pump Inhibitors o H2 antagonist drugs. Ok lang naman ang Kape, huwag lang sobra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.