ISA ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo sa mga local celebrities na kilala bilang animal welfare advocate.
Bukod sa pag-aalaga ng mga aso, tumutulong din ang Kapamilya actress sa ilang animal welfare groups sa bansa na lumalaban para sa karapatan ng mga hayop.
Kung matatandaan, pumayag pa ang dalaga na maging bahagi ng Compassion and Responsibility for Animals o CARA sa pamamagitan ng pagsusuot ng advocacy shirts ng grupo kung saan makikita siyang kasama ang iba’t ibang uri ng rescued animals.
Kamakailan lamang, nagpahayag ang fur mom sa kanyang 11 pet dogs, ng katuwaan nang malaman ang ginawang pagsagip ng San Miguel Corporation (SMC) sa ilang aspin (asong Pinoy) na na-stranded sa isang lugar sa Bulacan.
“I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” pahayag ni Kathryn na siya pa ring brand ambassador ng dog food na Nutrichunks.
“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, SMC,” dagdag pang mensahe ng girlfriend ni Daniel Padilla.
Nabatid din ng aktres na agad nagpadala ang SMC ng dog food para sa 70 asong paikut-ikot sa Barangay Taliptip, Bulacan, ang lugar kung saan itinatayo ang Manila International Airport project ng SMC.
Ayon sa pamunuan ng SMC, “With the help of Animal Kingdom Foundation, a total of 53 dogs have been rescued since November 16 and transferred to the AKF facility in Capas, Tarlac. Around 20 dogs are set to be rescued in the coming days.”
“The dogs that were brought to the AKF facility in Tarlac will undergo spaying, neutering, and veterinary treatment before AKF and SMC will start finding new homes for them.”
Kamakailan lamang, nagpasalamat din si Kathryn sa SMC, sa pamumuno ng president and chief operating officer nitong si Ramon Ang, “for helping create jobs and business opportunities in Central Luzon, including her home province Nueva Ecija with the construction of the Manila International Airport and the Bulacan Airport City Freeport Zone.”
“Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families.
“If possible nga na magawa na yan agad so we can already attract businesses and give people jobs. A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” ani Kathryn.