Mga trabahador ni TV host work nang work pero hindi pinapasweldo sa tamang oras

SIGURADONG masasabit sa iskandalo ang isang TV host kapag pumutok na sa media ang hinaing ng mga tauhan niya.

Nakarating sa aming kaalaman na nagrereklamo ang ilang trabahador ng TV host dahil hindi sila nababayaran on time.

Work sila nang work pero hindi naman sila pinapasuweldo sa tamang oras. Nag-rant na sa Facebook ang anak ng isang worker for the TV host na delay ang suweldo ng parents niya.

Noong una raw ay masaya pa siya dahil part ng isang programa ang kanyang mga magulang. Ang inirereklamo pa ng anak ng worker ay delayed na nga ang suweldo ay overwork pa ang kanyang mga magulang.

Kailangan kasi nilang maka-quota kaya naman super hirap silang nagtatrabaho araw-araw para makahabol sa quota dahil kung hindi ay bawas ito sa suweldo nila. Ang wish ng mga workers ng TV host ay makasuweldo na sila dahil may pamilya rin silang binubuhay

* * *

Enjoy na enjoy ni Moi Bien sa young male cast ng “Bagong Umaga” na sina Tony Labrusca (Ely), Kiko Estrada (OTep) at Yves Flores (Dodong).

“Siyempre, si Ely. Ang sarap-sarap ngumiti. Kapag ngumiti, akala mo kayo na. makuha ka sa tingin, makuha ka sa ngiti,” say niya sa kanyang YouTube video.

“‘Yang mga batang yan ay napakabait, napakamagalang tapos ang saya nilang kasama. Siyempre, ‘yung mg boys ko, sina Yves, Kiko and Tony, ang saya-saya kasama, parang mga barkada ko lang, parang mga kaedad ko lang.

“Sobrang hot ni Tony! Oh, my gosh! Lalo na ngayon na medyo pumayat siya nang konti, ang ganda ng fez niya. Ano ito? Tinititigan ko siya habang kausap.

“Hindi naman po, para ko na silang anak dahil meydo may edad naman ako,” chika pa ni Moi.

“Alam mo, sobrang misteryoso ni Tony. Parang mapi-feel mo na ang sarap nilang mahalin. Siyempre, sila Yves din, first time ko silang makasama, sila Kiko, Yves at Tony, parang naiilang ka.

“Pero noong nakita ko sila noong first time sobrang bait nila. At saka si Kiko, ang Inglisero pero kapag nag-deliver ng lines sorbang galing mag-Tagalog. Ay, di nga ako tatabi diyan kay Kiko kasi Inglisero, pero ang galing niyang mag-Tagalog,” dagdag pa ni Moi Bien.

Read more...