Slapshock vocalist na si Jamir Garcia pumanaw na

PATAY na ang bokalista ng Pinoy heavy metal band na Slapshock na si Jamir Garcia. Siya ay 42 years old.

Ayon sa ulat, natagpuan ang katawan ni Vladimir “Jamir” Garcia

sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sangandaan, Quezon City kanimang umaga.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), humingi ng tulong ang live-in partner umano ni Jamir sa pulisya nang makita nilang walang malay ang singer.

Agad na dinala ang Slapshock vocalist sa Metro North Medical Center Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival pasado alas-10 ng umaga.

Habang sinusulat ang malungkot na balitang ito, wala pang nagsasalita mula sa pamilya ni Jamir kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nabuo ang Slapshock taong 1997 at ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Agent Orange,” “Misterio,” “Langit,” at “Cariño Brutal.”

Matapos kumalat sa social media ang tungkol sa pagkamatay ni Jamir ay agad itong naging trending topic sa Twitter kasabay ng pagbuhos ng mensahe ng pakikiramay.

Halos lahat ng nagkomento ay hindi makapaniwala sa biglang pagkamatay ng singer.

“Rest in paradise Jamir Garcia…’Namamatay na ang ilaw sa gitna ng gabiLiwanag ay naglalaho kasama ang ngiti'”

“Hearing the death of chester when i was g9 didn’t take a toll at first because i was just starting again to listen to LP but later manifested. now hearing the death of Jamir from Slapshock…i am not the big fan of the latter but it makes me so sad. keep rocking in paradise!”

Yan ay ilan lamang sa mga komento ng mga netizens sa malungkot na balita.

“A fierce performer on stage, Jamir was one of the nicest and humblest rockstars we’ve had the pleasure of working with. He will truly be missed in the OPM band scene,” ang mensahe naman ng Myx Philippines sa pagkawala ng singer.

Read more...