Mas yumaman nga ba si Kim Chiu matapos mag-viral ang Bawal Lumabas? | Bandera

Mas yumaman nga ba si Kim Chiu matapos mag-viral ang Bawal Lumabas?

Reggee Bonoan - November 26, 2020 - 04:00 PM

“SALBAHE ba ako? Nakikita ko naman ‘yung mga katrabaho namin sa bahay ay 20 years, 15 years na sila sa amin.”

Yan ang bahagi ng sagot ni Kim Chiu sa isang netizen na nagsabing iba raw ang ugali niya sa totoong buhay sa ipinakikita niya sa harap ng camera.

Sa pagse-celebrate pa rin ni Kim matapos umabot sa mahigit 2 million ang subscribers niya sa YouTube ay pinagbigyan niya ang request ng marami na gumawa siya ng reaction video tungkol sa natatanggap niyang hate comments.

“Gusto ko lang saktan ang self ko ng very little, so let’s read it at kahit na ano ‘yan, I love You so much and thanks for watching all my videos,” bungad ng dalaga.

“Born with beauty but not an entertainer. Bwahahahaha!”

Sagot ng dalaga, “I think sa tawa mo palang bully ka na. ‘Yung bwahahaha tinatawa ba natin ‘yun in a normal daily basis? Sa tawa mo, funny person ka, at least na-entertain kita di ba at salamat sa pagpansin ng beauty, ibig sabihin nagandahan ka sa akin, hay, konti lang kayo.”

“Grabe naman ‘yung outfit ni Kim Chiu, papansin naman kasi masyado dami tuloy basher, pinahirapan pa ‘yung sarili puwede namang simple lang paano kaya siya uupo?”

Sabi ni Kim, “Alam ko ‘to, ito ‘yung gown ko sa ABS-CBN Ball. Una sa lahat pag mga ball kasi gusto ko talaga pinapahirapan ang sarili ko. Dati kasi wala ako pambili ng gown, ngayon meron na akong sponsor, gusto ko na ng hard core gown, e,gusto ko malaki, hindi ko naman na-realize na mukha palang shuttle cock.

“E, ‘yun ang gusto kong suutin, hindi naman ikaw ang nahirapan ako naman, saka na-pretty-han naman ako sa self ko. #hashtagselflove.”

“Heto na, sus, ang bait-bait noon sa PBB palang kaya ka nanalo, nakuha mo nga text vote ko, eh. Ang layo pala sa totoong buhay.”

Say ni Kim, “Nagkita na ba tayo? Salbahe ba ako? Nakikita ko naman ‘yung mga katrabaho namin sa bahay ay 20 years, 15 years na sila sa amin. So, I think kung salbahe ako wala na sila, iba-iba na ‘yung mga tao namin. Hu-huhu! Naiyak ako, hurt ako du’n pero okay lang.”

Marami pang nakaka-hurt na mean messages na binasa ang aktres pero game siyang sagutin lahat ito at thankful pa rin siya dahil pinapanood ang vlog niya kaya siya umabot na sa mahigit na 2 million subscribers.

Aniya, “Thank you for joining me in this journey as I show you the personal side of Kim! Thank you for appreciating my videos. I hope you get to enjoy. Cheers to more and more subscribers, videos, content and more more laughter and a few tears (kung meron man).”

Samantala, may nagtanong kung malaki ang kinita niya sa viral video niyang “Bawal Lumabas” at kung mayaman na siya. Dito naging emosyonal ang dalaga, bukod kasi dito ay nilait pa ang boses niya dahil kumanta pa raw siya.

“Dinonate ko naman ‘yung mga kinita ko roon. So ‘di man ako yumaman as yumaman sa bulsa, yumaman naman ako sa good deed. So, that’s more important.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naiiyak ako. Naging dalawang million ang yaman ko dahil dumami kayo. Basta masaya ako. I’m very grateful and blessed to share kung anuman ‘yung nakuha ko sa pagkakamali na ‘yon,” teary eyed na sabi pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending