Payo ni Pacquiao sa mga anak: Hindi ako galit sa mga basher, intindihin n’yo na lang sila…
PALAGING pinaaalalahanan ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mga anak na huwag magalit o pagsalitaan ng masama ang mga bashers sa social media.
Ayon sa Pambansang Kamao, sa halip na patulan ang mga taong nagkokomento ng negatibo at masasakit na salita, intindihin na lamang ang mga ito at ipagdasal.
Partikukar na tinukoy ng boxing champ ang naging experience ng ikalawa niyang anak na si Michael na kamakailan lang ay pinasok na rin ang pagiging musician. Kilala na ngayon ang binata bilang magaling na rapper.
Recently ay ni-release nga ng anak nina Pacman at Jinkee Pacquiao ang kanyang debut hip-hop album na “Dreams” kung saan nakapaloob ang kantang “Pac-Man,” na mabilis na nag-viral dahil sa galing niya sa pagra-rap.
Maraming humanga sa anak ni Pacquiao pero may mga nambasag din sa trip ng binata. Ayon sa senador, talagang naapektuhan si Muchael ng mga hate comments na nababasa niya sa socmed.
Narito ang payo ng boxer-politician sa anak, “Hindi lahat ng nasa social media magsu-support sa ‘yo, pupuri sa ‘yo, may mga basher din.
“Minsan di niya ma-handle, minsan parang nalulungkot siya, umiiyak.
“Pero sinasabi ko, pinapaintindi ko sa kanila na ganu’n talaga, you cannot please everyone, so may mga ano talaga mamba-bash sa ‘yo.
“Intindihin n’yo na lang ‘yan, sabi ko, ‘Yung daddy n’yo rin, from the beginning of my career until now, may bashers talaga,'” pahayag ni Manny.
Dugtong pa ng tatay ni Michael, “Yung mga basher na yun, hindi ako galit sa kanila, doon ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako ganu’n.”
At mukhang nakinig naman ang bagets sa kanyang ama dahil sa panayam niya kamakailan sa GMA, sinabi ng binata na dedma na siya sa kanyang mga haters at bashers.
“I understand naman na it’s part of it. It’s part of the journey na you can’t please everyone. Not everyone will like your stuff,” pahayag ni Michael Pacquiao.
Nauna rito, proud ding nabanggit ni Pacman na lumalaking mababait ang kanyang mga anak. Talaga raw ipinapaliwanag din nila ni Jinkee sa mga ito kung gaano kahirap ang buhay nila noon.
“Yung pinagdaanan namin, gusto ko ma-realize nila para pagdating ng araw, hindi sila matapobre. Gusto namin sila maging compassionate and helpful to others. ‘Yan ang gusto ko sa kanila.
“God is good naman, mababait naman silang lahat, nirerespeto kami, at sumusunod sa kung anong advice namin sa kanila.
“Gusto ko humble sila, matulungin sila at sumusunod sa Panginoon,” lahad pa ni Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.