I feel you kung gusto mo nang mag-resign dahil urat na urat ka na sa trabaho mo

INSPIRING at totoong-totoo ang mga life lesson at payo sa buhay na ibinahagi ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh sa madlang pipol.

Sa kanyang pinakabagong YouTube  video nag-share ang social media influencer ng ilang tips para sa mga kabataang tulad niya na nape-pressure nang magkaroon ng successful career.

Dito rin pinayuhan ni Mimiyuuuh ang kanyang fans and followers na huwag madaliin ang mga bagay-bagay at kung ano ba ang dapat gawin kapag “feeling lost” na sa kanilang career path.

“I know some of you all are pressured and questioning themselves.

“You see other people living the life you want to live, flexing the thing, flexing the bags, flexing the cars, flexing them shoes, flexing them legs, and you start questioning yourself what am I doing with my life?” simulang pahayag ng YouTuber sa kanyang latest vlog.

She said what’s important is to “keep building yourself at 20s, don’t stop learning, don’t stop experiencing life, don’t stop struggling because it’s part of growing up.”

Ani Mimiyuuuh, hindi tamang ma-pressure ang isang tao para maging matagumpay sa buhay, “Don’t need to be working on your dream job ASAP ’cause look at me, gusto ko po talaga mag-fashion designer but I am here.”

“I feel you na gusto mo na mag-resign dahil urat na urat ka na sa trabaho mo opo kasi nga hindi mo naman talaga gusto pero hindi mo magawa because this job pays the bill and that’s okay.

“Sometimes hindi mo naman talaga kasalanan na nauurat ka sa trabaho mo, minsan kasalanan ng employer ’yan o sadyang nasa Pilipinas ka lang,” pagpapatuloy pa ni Mimiyuuuh.

Pagdidiin pa niya sa sistemang umiiral sa bansa pagdating sa trabaho, “Yung work ethic po talaga dito sa Pilipinas sobrang nakakapagod po naman talaga. Imagine working other jobs na hindi naman talaga kasama sa job description and ’yung pay mo talaga hindi niya nabibigyan ng justice yung pagod mo.”

May punto rin si Mimiyuuuh sa sinabi niyang, “Maaaring sinuwerte siya kaya napadali. Yung iba sobrang nahihirapan. You just need to focus on your own path. Don’t be hard on yourself finding the finish line of your own path.”

Isa pa sa tips ni Mimiyuuuh sa mga kabataan ngayon, “If you have potential, don’t let that potential go to waste because you are not a trash.

“And never ever compare your life to others. That is the number one problem na nae-encounter ng mga kabataan ngayon. It’s social media.

“Life is unfair but that doesn’t mean hindi mo maabot ’yung mga gusto mong maabot in life just because you’re left behind,” lahad pa ng vlogger.

Isa si Mimiyuuuh sa mga young vloggers na nakapagpatayo na ng sariling bahay dahil sa laki ng kinikita niya sa pagiging YouTuber na naging daan para magkaroon din siya ng mga endorsements at bonggang collaboration with big stars, including Heart Evangelista, Sarah Geronimo, Bea Alonzo and many others.

Read more...