BINIGYAN ng warning ni Alden Richards ang publiko sa mga sindikatong ginagamit ang online gaming para makapanloko ng kapwa.
Ayon sa Asia’s Multimedia Star, maraming nagkukuwento sa kanya tungkol sa mga nagpapanggap na online gamers at charity streams na nanghihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.
Kaya pinaalalahanan niya ang mga netizens na maging maingat sa pagdo-donate online dahil sa naglipanang scammers.
“Ang dami kong nare-receive na message coming from gaming friends na may mga gamers who make a charity stream for a cause and then later use the money for personal use. I mean, I highly discourage that.
“I’d like to take this chance na rin to give a message sa mga taong mababait talaga ‘yung puso na gustong tumulong sa mga nangangailangan, na wala naman dito, especially the ones abroad.
“Let’s be careful kung sino ‘yung bibigyan natin ng donations and kung sino talaga ‘yung nag-i-stream for a cause na meron talagang pinagdadalhan ‘yung mga nakukuha nila on that day sa stream.
“Sorry for the word pero ang dami pong nanloloko ngayon. Nakakalungkot isipin,” mahabang pahayag ng Kapuso Drama Prince.
Kamakailan, ibinalita ni Alden na nakalikom siya ng P220,000 donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses mula sa online game streaming.
“I’m just really happy na nakapag-raise ako ng ganung funds through one of the things that I love doing which is gaming.
“Napakita rin natin doon that our supporters really support our cause, kung ano ‘yung mga gusto nating ipagbigay-alam sa kanila,” sey pa ni Alden.
Samantala, sa nakaraang Zoom mediacon ng kauna-unahang virtual concert ni Alden, ang “Alden’s Reality” natanong namin ang binata kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang mental health lalo sa panahon ngayon.
Aniya, isa talaga sa malaking naitulong sa kanya ay ang online gaming, “Ako po, doon po ako talaga naging really immersed into playing games, online games kasi nawawala talaga ‘yung oras eh.
“Nawawala na hindi ko naiisip ‘yung problema ngayon especially ‘yung pandemic na sobrang laking stress ‘yung dinulot sa atin.
“‘Yun po ‘yung pinaka-outlet ko basically. Doon ko po na-maintain ‘yung sanity ko, by doing that,” kuwento pa ng Pambansang Bae.
Dagdag pa niya, “Siyempre I’m also in touch with other supporters din po all over the world and dito sa atin, and they’re really grateful po doon sa online game streaming kasi parang ‘yun po ‘yung nag-compensate sa mall shows and out of the country shows na kumbaga kahit hindi nila kami nakikita physically, andiyan naman ‘yung online.
“So parang ‘yun na rin po ‘yung way of connecting with them, live kahit hindi man in person, and at the same time be in touch with them while doing one of the things that I love most which is gaming po,” lahad pa ng binata.
Sa ngayon, todo na ang paghahanda ni Alden sa kanyang virtual concert na magaganap na sa Dec. 8. Ito’y bahagi pa rin ng 10th anniversary ng Kapuso heartthrob sa mundo ng showbiz.