KAKASUHAN ng dating beauty queen na si Imelda Schweighart ang mga netizens na hindi titigil sa pambabastos at panghaharas sa kanya sa social media.
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang naging pahayag ng nag-resign na 2016 Niss Earth Philippines tungkol sa pagkaadik ng mga Pinoy sa K-Pop.
Aniya, “I hate K-Pop. Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride, please?”
“Di hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean. Kala ko ba Chinese nananakop? I think we’re getting it wrong. Lagi nalang tayo sinasakop,” aniya pa sa kanyang Facebook post.
Dahil dito, marami ang bumatikos sa former beauty queen na isa na ngang singer ngayon. Kung anu-anong masasakit at mahahalay na salita ang ibinabato ng mga haters sa kanya.
Ngunit hindi naman nagpatalo si Imelda dahil sa pamamagitan ng Instagram niresbakan niya ang mga nangnenega sa kanya.
Sinabi ng singer na hindi na niya ma-recover ang kanyang Facebook account, baka raw ni-report na ito ng mga netizens na naimbiyerna sa kanya.
“Hindi ko na tuloy alam kung ano mangyayari sa FB hahaha. Sad. Wala rin ako idea sa ganap ng twitter dahil wala ako non. Mass report sa FB ko hnd ko na ata ma rerecover,” pahayag ni Imelda.
Kasunod nito, binalaan na niya ang mga netizens na walang tigil sa pagkokomento ng masasama laban sa kanya.
“I have been listing names after consulting to my lawyers. I’m filing a case against every single person who has been messaging me under RA 10175 Cybercrime Law for Online Harassment, Invasion of Privacy, Cyberstalking and Defamation of Character.
“I’ll give you all one day to remove your words, till i really get on with this. You are all getting on my nerves, don’t get me mad. Im a nice person but not so nice when mad.
“Don’t wait till your names are in court for your words. I swear to God you have crossed the line and you will go to jail.
“Know who you’re dealing with and how much money i’m willing to burn for my anger. You wanna take it out on me? Yung gigil ko walang atrasan ha. Magtawag na kayo ng magulang walang iyakan!” ang post ni Imelda sa kanyang IG Story.
Kung matatandaan, noong 2016, naging kontrobersyal din si Imelda nang mag-resign bilang Miss Earth Philippines 2016 matapos kumalat ang isang video kung saan sinabihan niya si Miss Earth 2016 Katherine Espin na nagparetoke umano.