PAANO nga ba nasiguro ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing na ang kanyang “the one” at ang babaeng gusto niyang makasama habangbuhay.
Matapos nga ang ilang buwang preparasyon, naisagawa ni Rocco nang bonggang-bongga ang wedding proposal para kay Melissa nitong nagdaang Biyernes.
In fairness, ang ganda-ganda ng lugar na napili ng aktor para sa kanyang proposal na matatagpuan din sa kanilang subdivision kung saan tanaw na tanaw ang Hinulugang Taktak Falls.
Bukod sa sandamakmak na bulaklak sa palibot ng lugar may live saxophone at acoustic guitar music pa kaya para talaga itong eksena sa pelikula.
Ibinahagi ni Rocco sa bagong vlog niya sa YouTube ang ginawa niyang paghahanda bago siya mag-propose sa kanyang girlfriend na fiancee na nga niya ngayon.
Mapapanood din sa video ang pahayag ng aktor kung paano niya nalaman na si Melissa na ang babaeng dapat niyang pakasalan.
“Kapag alam mong sigurado ka na sa taong ‘yun, mararamdaman mo ‘yun. Marami na akong nakausap tungkol diyan. Kapag ako ‘yung nagtatanong, hindi ko naiintindihan. Mas naintindihan ko na nu’ng ako ‘yung nakaramdam.
“Sabi ko I think it’s time. Oras na para pumunta sa bagong chapter and I think what better time than now. Bakit ko pa papatagalin? She’s perfect. She makes me become the best of myself. I am the best version of myself because of everything I am doing now.
“She always reminds me to put God first kahit mabilis ako ma-distract. So for me, that alone is something very big. Something that really changes you. Something that really sets your mind to,” paliwanag ni Rocco.
Ayon pa sa “Descendants of The Sun” actor, wala raw talagang alam si Melissa sa mga mangyayari pero nang maluha na nga siya, na-feel na ng volleyball player kung ano ang gagawin ng boyfriend.
Inilabas ni Rocco ang isang diamond ring sabay luhod sa harap ni Melissa sabay tanong ng, “Will you marry me?”
“Wala kang sawa sa pagtingin sa akin. That for me is crazy, crazy. I did all of these just because you deserve the best.
“I love you with all my heart and I want to spend the rest of my life with you.
“You’re the most beautiful woman in the world in God’s eyes and, especially, in my eyes. You deserve nothing but the best.
“Alam ko nakikita tayo ni God and I know He’s smiling because He knows He’s made the perfect match once again,” ang pahayag pa ni Rocco.
Naiyak na rin si Melissa at hindi na makapagsalita kaya tumango na lamang siya bilang sagot sa tanong ni Rocco.
Sa pamamagitan naman ng Zoom video conference, nasaksihan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz ang engagement nina Rocco at Melissa.
“I was super happy kasi, especially, nandito ‘yung family ko kasi no’ng nag-propose siya, I was looking for my family na andito sa Philippines.
“Sabi ko, ‘bakit wala sila sa Zoom’ and then when we enter the house, ando’n sila lahat and then we’re gonna have dinner together. It’s one of the most happiest moments of my life,” pahayag naman ng volleyball player.