Gerald nagrenta ng chopper para lang makaabot sa basketball game

NAPATUNAYAN ng dating UP Maroons player na si Mikee Reyes ang pagiging super generous ni Gerald Anderson at kung gaano niya kamahal ang basketball.

Ibang klase rin daw ang pagiging humble ng Kapamilya actor dahil kahit sikat na sikat na ito ay pantay-pantay ang trato niya sa kanyang kapwa.

Sabi pa ni Mikee, hindi rin daw ipinararamdam sa kanila ni Gerald na superstar siya kapag naglalaro na sila sa hardcourt.

“Kahit big deal siya du’n, he doesn’t bring that to the court or the basketball industry. You don’t feel na si Gerald Anderson siya.

“Like he will really listen. Like nagtatanong siya sa akin like ‘Mikee, ano ba dapat gagawin ko? Mikee, pano ba dapat ‘to?’ So nagtatanong siya talaga,” pahayag ni Mikee sa kanyang vlog.

Papuri pa niya sa binata, “This guy is the most hardworking mot**r f**ker I have ever seen. Like he works out in the morning, he goes to work, he goes to practice.

“And then after practice, he goes work out again. Like he has four to five activities in a day. And like more than half of those activities is just working out or playing basketball,” chika pa ng cager.

“As in minsan magte-training kami. After nu’n, magyayaya pa ng limahan ‘yan sa ibang court. Like ganu’n siya ka-wild. Tapos inom nang inom ng sports drink. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Ge, delikado ‘yan ginagawa mo.’ Baka kaya sobrang dami niyang energy kasi like sa ibang bagay.”

Hinding-hindi rin daw niya malilimutan ang ginawa ni Gerald nang minsan silang mag-practice para sa isang liga. May participation daw kasi that time si Gerald sa Vios Cup race challenge sa Pampanga kaya medyo imposible na itong umabot sa laro nila.

Pero talagang nagpa-book daw ng chopper ang binata para makaalis agas sa Clark papuntang San Juan para lang makaabot sa game nila.

“This guy booked a chopper. Tayong mga basketball player, magga-Grab. Hindi tayo magkokotse, hindi tayo magda-drive. Ang gagawin natin, Angkas.

“I have seen so many basketball players riding Angkas kasi baka ma-late sila sa game nila or sa practice nila. I’ve done that.

“So what happened was he went on that app, I think that’s Grab or whatever. Bast nag-o-offer ng chopper. And then I was just watching him book a chopper. What he did was saan magla-land ang chopper? At hindi ito ‘yung San Juan Arena.

“Ito ‘yung old San Juan. So this guy calls his connections sa San Juan. And then he calls I don’t know if si Ejercito ‘yun basta he calls to allow him to land on the helipad dun sa San Juan,” ang hindi pa rin makapaniwalang kuwento ni Mikee.

Mas na-shock pa ang player nang naman ni Mikee nang malaman kung gaano kamahal ang binayaran ni Gerald sa chopper, “Lowkey, I was looking at how much it was to book such a thing. And sinasabi ko that’s a year or two worth of Angkas.

“He was already told na pwede nang hindi ka maglaro. No problem, it’s just a tune-up game. Pero kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay, gagawin niya,” aniya pa.

Read more...