DREAM ng singer-actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa na magkaroon ng game streaming show sa GMA 7 kasama ang kanyang kapwa Kapuso gamers.
Isa si Myrtle sa mga kilalang celebrity streamer-gamer sa bansa at talagang kinakarir niya ang bawat larong sinasalihan niya here and abroad.
Sa ginanap na virtual presscon ng GMA para upcoming concert niyang “Still Love Me,” nabanggit ni Myrtle ang ilang projects na nais niyang gawin sa Kapuso Network.
“With GMA I really want to do sinuggest ko na to na gumawa ng streaming shows together with other Kapuso artists so we can have the chance to play video games together and share them sa mga Kapuso because I know how big the gaming community is,” pahayag ng dalaga.
“So I hope magkaron kami ng ganitong show na nakakabond din kami and at the same time na nakakapanuod din ang mga Kapuso,” dagdag pa ng dalaga.
Naikuwento ni Myrtle na naglaban na rin sila sa Ragnarok ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na isa ring online gamer. Natalo nga raw niya rito si Alden dahil halos araw-araw siyang naglalaro nito.
Wish ng dalaga, sana’y makapaglaro sila ng Pambansang Bae para sa isang team, “Hindi kami nagkakalaro hindi naman magkalaban ‘yung guilds namin civil naman but since different guilds kami we don’t have the opportunity to play with each other.
“But I was able to play against him but it would be more fun to play with him in a team. Sana in the future I would have the opportunity to play with him,” aniya pa.
At kung magkakaroon daw ng chance na makagawa siya ng game streaming show sa GMA, si Alden daw ang perfect co-host.
“Because he is an avid gamer and he’s an avid streamer, so many people enjoy watching him play video games and I think he would be the best influence ng healthy gaming sa community,” pahayag pa ng dalaga.
Samantala, tuloy na tuloy na ang virtual concert ni Myrtle titled “Still Love Me” sa Nov. 28 kung saan kakantahin niya ang ilan sa kanyang compositions, kabilang na ang tracks mula sa dati niyang album.
“Lahat ng genre na gagamitin namin sa concert paiba-iba and for this concert, this time around instead of just doing mga covers ng iba’t ibang songs nag-focus kami on the songs that I wrote in the past,” kuwento ng Kapuso singer-actress.
Pag-amin pa niya, “Dati, I would always hold myself back sa mga live performances, this time I became more vulnerable. I really wanted to share more of my experiences, stories, and life.
“Mas makaka-relate sila kasi mapapakinggan nila ‘yung songs na ako talagang nagsulat,” sey pa niya.
Pre-recorded na ang concert ni Myrtle na kinunan sa Teatrino sa Greenhills, “We considered doing it live, but the problem kasi is really the internet. May worries kasi kami na paano kapag nag-down yung internet? So we decided na it would be best if we pre-recorded it.”
“We still treated it as live so most of the performances parang one take lang, not unless merong battery issues or something like that — or merong parang nagkamali sa mga technicalities but most of it is treated as live,” lahad pa niya.
Mapapanood na ang “Still Love Me” sa Nov. 28, 8 p.m.. Concert tickets are available viaTicket2Me (https://ticket2me.net/e/32179). Magkakaroon din ng special guests si Myrtle sa kanyang concert.