Matteo sa pagsasama nila ni Sarah: Ang mahalaga, matuto kang magsabi ng, ‘kasalanan ko’

KUNG may isang life lesson na natutunan si Matteo Guidicelli sa walong buwang pagsasama nila ni Sarah Geronimo bilang mag-asawa, yan ay ang pagiging mapagbigay at understanding na mister.

Ayon sa singer-actor, nagsisimula pa lang sila ni Sarah bilang married couple kaya inaasahan na niyang napakarami pa nilang pagdaraanan sa buhay.

Aminado rin si Matteo na hindi sila perfect ng kanyang misis, may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ng problema.

“I think it’s very, very normal to have conflicts here and there. You wish not to have them, but I think it’s normal to have them,” pahayag ni Matteo.

Basta ang mahalaga raw ay naaayos agad nila ang issue o conflict, “And what’s important is you say, ‘It’s my fault.’”

Payo pa niya sa mga bagong kasal at nagsisimula pa lang bumuo ng sariling pamilya tulad nila ng Popstarsl Royalty, “Learn from your mistakes. You want to be proactive all the time.

“You can’t dwell on the past. You can’t dwell on the negative sides. Be positive, be proactive, and try to grow with one another, with each other,” paliwanag pa ng aktor.

Sa February, 2021 magse-celebrate na ng kanilang first wedding anniversary sina Sarah at Matteo. Kumusta naman ang unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa?

“It’s great. It’s good fun. It’s hard to explain. Being married, I recommend to everybody out there! But you really have to find the right partner. That’s very important,” lahad ni Matteo sa panayam ng ABS-CBN.

Marami na ang nag-aabang sa pagkakaroon nila ni Sarah ng anak,  “If it happens next week, great! It’s a blessing talaga. But right now, we’re not trying, we’re just letting life move on, and enjoying each other.

“We haven’t really spent time together in our boyfriend-girlfriend stage, so we’re very blessed today. We’re not rushing anything,” aniya pa.

Read more...