NAGULAT at na-touch ang Kapuso Primetime Queen at “Tadhana” host na si Marian Rivera sa naging birthday wish ng panganay na anak na si Zia.
Isang simpleng celebration ang ibinigay nina Marian at Dingdong Dantes sa 5th birthday ng anak.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng celebrity mom ang ilang litrato na kuha sa “party” ni Zia kung saan makikita ang pagbo-blow nito ng candle sa kanyang birthday cake.
Sa caption, sinabi ni Marian kung ano ang birthday wish ni Zia na talagang ikinataba ng kanyang puso, hindi raw kasi niya inaasahan na ganu’n ang magiging hiling ng bagets.
“Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed. Aww!” pahayag ni Marian.
Dagdag pa niyang mensahe sa panganay nila ni Dingdong, “Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way… Happy Birthday Anak! Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia.”
Talagang hands on ang Kapuso actress-TV host sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak. Ito rin ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang gawin ang seryeng “First Yaya”.
Aniya, hindi niya kakayanin ang halos isang buwang lock-in taping. Bata pa raw kasi sina Zia at Ziggy para iwan niya nang ganu’n katagal.
Sabi pa ni Marian sa isang panayam, hangga’t maaari ay nais nilang bigyan ni Dong ng normal na buhay ang mga anak.
“Si Zia kasi ang tipo ng bata na mature na mag-isip kaya nag-usap kami ni Dong na at a certain age niya, puputulin namin lahat ng social media niya,” sey ni Marian.
“Gusto rin kasi namin maramdaman niya ‘yung pagiging normal,” aniya pa.
Samantala, speaking of Dingdong, tuluy-tuloy pa rin ang mga bonggang pasabog at paandar na kilig sa “Descendants Of The Sun” sa GMA Telebabad.
Sunud-sunod na ang twists and turns sa kuwento ng “DOTS PH” lalo na ngayong mas nagiging kumplikado ang buhay ni Big Boss (Dingdong) at ng iba pa niyang kasamang sundalo.
Kaya si Doc Beauty (Jennylyn Mercado) magpi-feeling wifey na naman kay Lucas. Abangan ang marami pang pakilig moments ng dalawa sa kanilang away-bati na relationship sa gitna ng labanan ng mga sundalo, rebelde at mga kriminal.
Napapanood pa rin ang “Descendants Of The Sun” gabi-gabi sa GMA Telebabad after “Encantadia.”