Heart pasok sa Top 10 Luxury Influencers worldwide; Alice excited nang gumanap na Muslim

LOOKING forward at super excited na si Alice Dixson sa kanyang role bilang isang Muslim sa upcoming Kapuso series na “Legal Wives.”

Kuwento ng aktres, bukod sa kanyang paninirahan sa Dubai at Qatar ng ilang taon, marami pa rin siyang natututunan sa kultura ng mga Muslim bilang paghahanda sa kanyang karakter na Almirah Macadato.

Aniya, “Now that dumating itong pagkakataon na I can learn more about their culture, it’s quite fascinating actually.”

“Ang ganda ng pagkasulat. Kumbaga it doesn’t matter what religion you are. It all boils down to your family, the values that you have. ‘Yun bang the love that you share,” dugtong pa niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Alice sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil kaya doble talaga ang excitement na nararamdaman niya.

* * *

Muling kinilala ang Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa international scene matapos mapabilang sa Top 10 Luxury Influencers worldwide ng Forbes France.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ng aktres ang isang screenshot kung saan makikita ang kanyang Instagram link sa listahan ng nasabing magazine.

Nagpasalamat din siya sa pagkilala ng Forbes France kung saan siya lamang ang nag-iisang Pinay sa listahan.

Nakahilera niya sa Top 10 Luxury Influencers worldwide list si Chiara Ferragni, isang Italian entrepreneur, fashion blogger, influencer and designer na siyang nasa unang pwesto.

Bago ito, matatandaang isa rin si Heart sa mga napasama sa global personalities ng prestihiyosong Vogue 100.

Read more...