Basher basag kay Nikki Valdez: Nakakaawa ka sa totoo lang!

NAGPAKA-COOL na lang ang isa sa mainstay ng Kapamilya seryeng “Bagong Umaga” na si Nikki Valdez laban sa below-the-belt na bira sa kanya ng isang basher.

One @MacLen315 tweeted this, “‘Yung pagiging tanga mo ba, hereditary o due to substance abuse?” bilang reaction sa nauna niyang tweet which said, “To the 70 congressmen who killed ABS-CBN’s franchise, how does it feel to see people die? This is why we need news and updates!! Kailangan buhay ang kapalit para sa kasakiman niyo?”

“I feel terribly sorry for this person. The way he maligns others just to prove a point.” That was Nikki’s very cool reply. “Nakakaawa ka sa totoo lang,” she added.

Nagkakaisa naman ang Twitter followers ni Nikki sa pagtatanggol sa kanya.

“Don’t tweet kung alam mo walang point ang sinasabi mo… But if you have, Make it clear hindi yung lowblow na banat, Kasi in the end kaw ang nagiging EWAN.”

“Typical dds. ganyan sila. aatakihin pagkatao mo, sakit mo, pamilya mo. pero anlayo nila sa topic.”

“Typical na dds!!! Yung mismong tweet niya walang sense… pabobo na ng pabobo ang mga yan. tingnan mo tweet niyan bukas focus pa rin sa paninira kay vice Leni.”

“Grabe talaga sya. May nagbulong kase jan kaya ganyan. Yung taong busy at di magkandaugaga dpat tulungan nya or kahit wag na nga purihin dahil ayaw nya yun eh pero wag nya bastusin!”

“Hanggang keyboard lang yan si Lopez, kapag harapan na nagpipilipit na ng tissue sa nerbyos.”

“Ang pagiging sipsip mo ba sir hereditary or due to substance abuse?”

“Hayaan nyo nalang po Maam NIKKI atleast ikaw mabuti ang puso mo.Pinagpala ni God ang katulad mong mabuti.”

* * *

Masaya ang maraming netizens na napapanood na ulit nila gabi-gabi si Cardo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa telebisyon. Simula kasi nang maging available na ulit ang A2Z channel sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, mas marami na ang nakakasubaybay ng Kapamilya shows na na-miss talaga nilang panoorin mula umaga, tanghali, hanggang gabi.

Good news ito para sa maraming viewers, kaya nakakatuwa rin ang posts ng mga taong nagkumahog na i-scan ang mga digi box nila para malaman kung nasasagap sa mga lugar nila ang A2Z.

May nakita rin kaming posts online na nagpasalamat sa balitang ito dahil hindi na raw nila kailangang gumastos ng mobile data para makapanood ng Kapamilya shows sa YouTube at Facebook.

Siyempre bukod sa “Ang Probinsyano,” showing din sa A2Z ang ibang Kapamilya teleserye na may bagong episodes gaya ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Bagong Umaga,” at “Walang Hanggang Paalam.”

May educational programs ding umeere sa A2Z tuwing umaga at kiddie shows naman sa hapon. Makakatulong ito sa mga magulang na nahihirapan nang maghanap ng paraan para malibang at matuto ang mga anak nila sa bahay sa panahon ngayon.

Base naman sa nakikita naming posts, maraming Pilipino pa mula sa Visayas at Mindanao na naghihintay ring mapanood nila ang A2Z sa TV nila. Hintay-hintay lang tayo dahil sigurado namang ginagawan ito ng paraan ng Zoe.

Read more...