2 super sikat na personalidad dineadma ng isang kumpanya sa bagong commercial

May binubuong bagong ad campaign ang kilalang produkto at bilin ng ahensya sa production na gagawa ay kailangang malaking artista para pasabog sa mga kakumpetensiyang produkto.

In fairness nasunod naman ang mga malalaking artistang inilista ng produksyon at pasado rin ang pinitch nila sa client na tuwang-tuwa dahil ang ganda nga naman talaga.

Naloka lang ang mga taga-produksyon dahil si client ay nilagyan niya ng ekis o X ang dalawang super sikat na personalidad na mabango ang mga pangalan nila sa advertisers.

Walang naglakas ng loob na tanungin ang client kung bakit ayaw niya ang dalawang super sikat na personalidad dahil tila sumimangot na. Mas pinili pa ang mga hindi masyadong sikat na personalidad at walang gaanong project kung ikukumpara sa dalawang naunang sikat.

At dahil hindi nga sikat ‘yung mga napili ay nagpapahanap pa ng equally kasing sikat din nang dalawang nilagyan ng ekis.

Hmm, napaisip kami kung anong mayroon sa dalawang personalidad na hindi type ni client?

Duda ng kausap naming direktor na nakatrabaho na rin ng client, “Feeling ko lang ha, baka may project na offer sa dalawa noon hindi tinanggap o kaya hindi nagkasundo sa presyo. O baka mahirap kausap ang manager nu’ng dalawa (sikat na personalidad). Alam mo naman ang mga client kapag nagustuhan ka marami kang beses kukunin, pag hindi ka nagustuhan, waley na.”

Read more...