Jake Zyrus napa-OMG nang mawala ang dibdib; nag-sorry kay Charice
HABANG kinikilala si Charice sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa bilang talentadong singer ay mas tumitindi pala ang nararamdaman niyang anxiety at depression.
Ito ang inamin ni Jake Zyrus tungkol sa mga hirap at sakripisyo na ginawa ni Charice noong kasagsagan ng kanyang international career.
Napakahirap daw ng pinagdaanan ni Charice habang tinatamasa ang tagumpay, pero aniya ibang klase rin naman daw ang naramdaman niyang kaligayahan lalo na kapag nagpe-perform na siya at napapaligaya ang kanyang audience.
“Noong time na po na ‘yun talagang mahirap po. It was fun but at the same time I had to take it all in nang mabilisan po. I had to move fast to change myself, I have to fit in,” pahayag ni Jake sa “Tunay Na Buhay.”
Dugtong pa niya, “When I was on stage and in front of camera, yes it looked gloriuos. But behind it, one of the biggest reasons, I’m sure why my anxiety, my depression raised.”
Hanggang sa magdesisyon na nga siyang magpakatotoo sa kanyang sarili at ibandera sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Taong 2017 nang aminin niya na isa siyang transgender man.
“Actually bata pa lang po ako, I think I was five. Naalala ako na tinutukso ako ng mga kaklase ko dito sa isang boy.
“But the only question that came in my mind was, ‘Bakit nila ako tinutukso doon eh pareho kami?'” pahayag ni Jake. Ibig sabihin, bata pa lang talaga ay alam na niya kung ano talaga ang gender niya.
Sa kanyang transition from Charice to Jake, unang nagbago ang timbre ng kanyang boses at sinundan ng kanyang itsura, kabilang na ang pagkakaroon niya ng bigote at balbas.
Inamin ni Jake na ang pinakamahirap na bahagi ng pag-transition niya ay ang top surgery o ang pagtanggal sa kanyang mga dibdib.
“Ang pinakamahirap ko pong na-experience was my top surgery. Naalala ko paggising na paggising ko may mga bandage, groggy pa ako.
“Pagdilat kong ganyan, tumingin ako, it was flat. ‘Oh my God! Flat na siya!’ Ito talaga ‘yung unang-una kong sinabi.
“I remember my friends pumasok sila sa room and they sang Happy Birthday to me (parang rebirth). It was a really special moment pero at the same time ‘yun po talaga ang mahirap,” kuwento pa ni Jake na super happy na ngayon sa piling ng kanyang partner na si Shyre Aquino.
Nag-sorry din siya kay Charice dahil ito raw ang sumalo ng lahat ng matitinding emosyon noong pilit pa niyang itinatago ang totoo niyang pagkatao.
“Thanks you Charice, and I’m sorry kasi siya talaga ang nagdala ng lahat ng pinakamahihirap na emotions, struggles, pain. So, I’m sorry that she had to go through that.
“Thank you din sa lahat ng achievements that I got, she will always be me, she will always be in my heart and she’s my hero,” mensahe pa ni Jake kay Charice Pempengco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.