Zaijian kay Boyette: Napakatapang mo, mahal na mahal kita

SA kauna-unahang pagkakataon, bibida na sa sarili niyang pelikula ang dating child star na si Zaijian Jaranilla.

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang kanyang coming-of-age comedy film “Boyette” mula sa Star Cinema kung saan gaganap siyang beking teenager. Trailer pa lang kasi nito ay bentang-benta na sa madlang pipol.

Matapos nga siyang magbida noon sa mga hit Kapamilya series na “May Bukas Pa”, “Noah” at “Bagani”, muling magpapakitang-gilas bilang versatile young actor si Zaijian sa “Boyette (Not A Girl Yet)” sa direksyon ni Jumbo Albano.

Ito’y kuwento ni Boyette (Zaijian), ang 17-year-old asthmatic na beki na nagpanggap na straight guy para maka-join sa isang prestige dance club kung saan star dancer ang super crush niyang si Charles na gagampanan ni Inigo Pascual.

Ayon kay Zaijian, kinarir niya ang bawat eksena sa pelikula dahil nu’ng una raw ay talagang nahirapan siya sa mga paandar at kadramahan ni Boyette.

“Sa una hindi madali kasi lalaki po ako, tapos gaganap akong bading. So, medyo ang lalim po nang pinaghugutan ko. Pero tinutulungan ako ng mga direktor ko.

“At ‘yung set po namin halos puro gays po. So, sinasabi nila na, ‘Uy medyo lalaki ka sa ganitong galaw, gawin mo ito.’ Parang binibigyan nila ako ng tips,” paliwanag ng binatilyo.

In fairness, sa trailer nga ng “Boyette” kitang-kita na nag-enjoy si Zaijian sa karakter niya dahil natural na natural ang galawan niya bilang bading. Ani Zaijian, naniniwala siya na maraming makaka-relate sa kuwento ni Boyette kahit ang mga straight.

Sa nakaraang virtual conference ng movie, natanong si Zajian at ang iba pang members ng cast kung ano ang nais nilang sabihin sa lahat ng taong tulad ni Boyette.

Ayon kay Maris Racal na magkakagusto kay Boyette sa kuwento, “Bawat choice mo sa life, babalik ‘yan sa’yo. It’s better to be honest, totohanin na. ‘Wag mo nang itago because meron at merong mga tao na tatanggap sa’yo at iintindihin ka. Kung hindi ka nila iintindihin, they’re not the perfect people for you.”

Para naman kay Joey Marquez who will play the father of Zaijian, “Don’t judge, just focus on a straight line regardless of who you are or what you are. When you dream, make sure that you are a doer, not only a dreamer.”

Ito naman ang message ni Zaijian kay Boyette, “Thank you dahil sa ‘yo nakagawa ako ng isang magandang pelikula at isang inspiring na kwento. Maraming makaka-relate na tao rito,” na ang tinutukoy ay si Direk Jumbo.

Patuloy pa niya, “Sobrang proud ako sa kanya, sa ‘yo, dahil napakatapang mo. Hindi mo kailangan baguhin sarili mo para lang magustuhan at matanggap ka ng mga tao. Sapat na ‘yung ikaw lang. Mahal na mahal kita, Boyette.”

Distributed by Cinexpress, the film will be out starting Nov. 27 on KTX.ph, iWant TFC app and website, TFC IPTV, Cignal pay-per-view and Sky Cable pay-per-view for P150.00.

On KTX.ph, log-in and click the movie title, book a ticket and click the “checkout” button. Payment can be done using Visa, Mastercard, Dragonpay Online Banking, Gcash, Coins.ph, or Grabpay. A confirmation link will be sent to your e-mail address.

Using the iWant TFC app, which is downloadable from Google Play and App Store, or using the main website iwanttfc.com, you may register or log-in through e-mail, mobile no. or Facebook account. Search for the movie title and click “purchase” to get a ticket.

Read more...