IDO-DONATE ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang talent fee mula sa bago niyang endorsement sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses at Rolly.
Ayon sa Pambansang Kamao, isa lamang ito sa mga naisip niyang paraan para kahit paano’y makatulong sa mga kababayan nating nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa sunud-sunod na bagyo sa bansa.
Ang tinutukoy ng senador ay ang pagiging bagong brand ambassador ng Globe at nagpapasalamat siya sa nasabing telecommunications company dahil pinagkatiwalaan siyang maging partner sa kanilang mga proyekto.
“Ang pandemyang ito, at ang mga kaakibat na suliraning pangkabuhayan, ay maaari nang pinaka matinding laban na hinaharap ng bawat Pilipino. Ako ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino, kasama ang Globe, sa laban na ito,” ani Pacquiao.
Dagdag pa niya, “Ako ay nagagalak na maging katuwang nila sa paghahatid ng mensahe ng pag-asa sa aking mga kababayan, anumang kalagayan sa buhay, sa mapanghamon na panahon na ito.”
Pahayag pa ng boxing champ, “I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can.
“That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly and Ulysses.
“Ibibigay natin sa mga tao ang ating income dito. Ibabalik natin sa taumbayan para naman makatulong ito ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan.
“Sama-sama tayong babangon, that is my commitment. By God’s grace we can look forward to better days of our nation. Remember, the best is yet to come because God is good all the time,” bahagi pa ng pahayag ng Pambansang Kamao.
“Manny is the epitome of a true global Filipino, a homegrown talent who rises above challenges to bring pride to the country.
“Much like Manny who remains unfazed by the challenges of this pandemic, Globe has remained steadfast in providing Filipinos with digital solutions, mobile and internet services that have become lifelines under the new normal,” lahad ni Ernest Cu, Globe President and CEO.
“Globe has always been an active supporter of local talent. Globe and Manny share a common desire to uplift people’s lives, which makes him a fitting ambassador for us,” dagdag pa niya.
Inihayag din ng Globe na ang mga susunod na laban ni Pacquiao ay exclusively available for streaming live sa Pilipinas sa pamamagitan ng internet through Upstream in partnership with GMovies. Upstream is the newest transactional video-on-demand (VOD) platform.