Catriona nag-react sa ginawang pagpapakilala sa kanya sa 2020 Miss Universe Colombia

SA bansang Pilipinas kapag may inimbitang personalidad mula sa ibang bansa para mag-guest sa Kapamilya, Kapatid at Kapuso network ay talagang nire-research ang lahat ng tungkol sa kanyag pagkatao at achievements.

Lalo na kung may kinalaman sa showbiz, dito mahuhusay ang mga taga-production o ang organizers mga events sa ating bansa.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil nalungkot kami sa ginawang pagpapakilala kay 2018 Miss Universe Catriona Gray bilang isa sa hurado sa katatapos na Miss Universe Colombia kahapon.

In-introduce ang Filipina beauty queen ng mga pageant host bilang, “Australian by birth but represented the Philippines” (sa Miss Universe) bukod pa sa mali ang spelling ng apelyido niya na naging Garay.

Technically, hindi ito kasalanan ng hosts dahil binabasa lang nila kung ano ang ibibigay sa kanilang cue cards ng writer ng show pero mukhang hindi rin sila nag-double check sa ibinigay ng researcher kung tama ang information.

Ang pagkakaiba kasi ng mga host natin dito sa Pilipinas lalo na sa showbiz ay sila mismo ay nagre-research tungkol sa show at sa mga personalidad na ipakikilala nila, additional inputs ang tawag doon kung sakaling hindi sila kampante sa ibinigay na cue cards.

Going back to the Miss Universe Colombia, sinagot ni Catriona ng “Filipina” sa kanyang Instagram stories nang ipakilala siyang “Australian by birth but represented the Philippines.”

Ang ganda ng ngiti ng magandang binibini habang binabasa ang pangalan niya pero nang narinig na niya ang sinabing taga-Asutralia siya at nire-represent lang niya ang Pilipinas ay medyo nawala na ang maganda niyang ngiti at namilog ang mga mata nito.

Ang netizen na si @thesinjinpineda ang nakapansin sa reaction ni Catriona kaya kaagad nitong ipinost sa Twitter ang video ng dalaga.

Ang caption niya, “’Australian by birth but represented Philippines after living for a few years there. WTF?’ You can see Cat clearly not comfortable with the introduction.

“OMG. Low blow indeed. But our queen still crowned their new winner, a deaf-mute candidate.”

Dagdag pang mensahe nito, “Reading tweets about #MissUniverseColombia. Catriona is a judge. She is very popular there and she’s trending in Colombia because pageant fans are worried she might not return to Colombia after her name was misspelled as ‘Catriona Garay’, and she was introduced as.

“Now Colombian pageant fans are saying that they do not necessarily agree with the results and are worried Catriona will never return to their country after her ‘horrible’ experience, especially if the results were ‘cooked’.”

May nag-comment din ng, “Kaloka ‘yong host/organizers ng Ms Universe Colombia 2020, instead of simply introducing her as Miss Universe 2018, binanggit pa talaga ‘yong pagiging Australian ni Cat pero ni hindi man lang nila ma-spell ng tama ‘yong surname nong tao.”

Totoo namang sa Cairns North Queensland, Australia ipinanganak si Catriona. Ang kanyang Filipina mom ay taga-Oas, Albay habang ang ama naman niya ay isang Australian na may Scottish descent.

Pagka-graduate niya ng high school ay lumipat na sila ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang karera sa modelling.

Read more...