Hugot ni Rabiya para sa mga Pinoy: Walang mangyayari kung puro ‘resiliency’ na lang

PARA kay 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, hindi sapat ang paggamit ng salitang “resiliency” para sa pagbangon ng mga Filipino mula sa sunud-sunod na kalamidad.

Ayon sa beauty queen, kailangan ng maliwanag at kongkretong plano ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa lahat ng mga Pinoy na nangangailangan ng tulong.

“’Yung resiliency, parang overused siya to the point na sometimes we don’t look at the problems to find the solution,” pahayag ni Rabiya sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dagdag pa ng dalaga, totoong palaban, matatag at matapang ang mga Pinoy pero hindi naman palaging ganito ang irarason ng mga nasa pamahalaan sa tuwing may kinakaharap na pagsubok ang sambayanan.

“And we just tell other people na all we need to do is have a positive mindset and we’re going to overcome this.

“But where are the tangible programs to help the people being affected by such situation?” sabi pa ni Rabiya.

Aniya pa, “So yes, iba kapag may positive outlook, but again, kailangan nating magkaroon ng tangible and visible solution. Hindi tayo magle-learn. Hindi natin mapapabuti ‘yung community natin if puro resiliency na lang.”

Sa mga nangyayari ngayong kalamidad, hindi maiwasang balikan ng beauty queen ang araw nang hagupitin ng Bagyong Yolanda ang lugar nila sa Iloilo noong 2013.

“Nasa may kalsada kami para ipaalam na, ‘We need help. We need food.’ Kaya sabi ko ngayon na may bagyong Rolly saka Ulysses, ramdam na ramdam ko po talaga ‘yung paghihirap ng mga kababayan natin,” pahayag pa ni Rabiya.

Ibinalita rin ng dalaga na sa pakikipagtulungan ng mga sinusuportahan niyang charity groups, nakalikom na sila ng P200,000 na ido-donate nila para sa mga kababayan nating nabiktima ng sunud-sunod na bagyo.

Read more...