Rep. Raul del Mar ng Cebu City, pumanaw na

Photo: Cebu Daily News

Pumanaw na si Cebu City North District Rep. Raul del Mar sa edad na 79.

Inanunsyo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang malungkot na balita sa Senado ngayong Martes ng umaga.

“We’d like to give our deepest condolences on behalf of the Senate on the passing of Congressman Raul del Mar,” ayon kay Zubiri.

Sinang-ayunan ng Senado ang isang mosyon para mag-file ng resolusyon na magbibigay-pugay kay Del Mar at para na rin maipaabot sa mga naulila ng kongresista ang pakikidalamhati ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

Read more...