Pinakamataas na bilang ng commuters sa MRT-3 mula Hunyo, naitala kahapon

Nakapagserbisyo ng kabuuang 114,706 na pasahero ang Metro Rail Transit-3 nitong Lunes, Nobyembre 16.

Ito na ang pinakatamaas na bilang ng mga commuter na sumakay ng MRT-3 simula nang magbalik-operasyon ito nooong Hunyo 1.

Ayon sa DOTr MRT-3, ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.

Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 30 porsyento (124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set), mula sa dating 13 porsyento (51 na pasahero kada train car, 153 na pasahero kada train set).

Mas pinabilis din ang takbo ng mga tren ng 50 kilometers per hour, mula sa dating 40 kph, simula noong ika-2 ng Nobyembre.

Dahil dito, nabawasan ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5 hanggang 9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 4 hanggang 5 minuto.

Read more...