Nikki Valdez tinalakan uli ang mga kongresistang kumontra sa ABS-CBN franchise

ACTRESS Nikki Valdez took a swipe at the congressmen who voted for the shutdown of ABS-CBN.

“To the 70 congressmen who killed ABSCBN’s franchise, how does it feel to see people die? This is why we need news and updates!! Kailangan buhay ang kapalit para sa kasakiman niyo?”

‘Yan ang mataray na tweet ng “Bagong Umaga” star matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses kung saan marami ang stranded sa mga bubong dahil umabot na sa second floor ng mga bahay ang baha.

Marami ang nag-react sa tweet na ‘yun ni Nikki at um-agree naman sila sa sinabi ng Kapamilya actress. Pero as usual may kumontra rin sa kanya at na-bash din siya ng ilang netizens.

“From Isabela po ako. Hindi ko po gusto naging resulta noon. Dahil ABS CBN lang ang malakas sa amin. Pero ewan ko bakit sila nag YES noon. Madami kami dismayado sa resulta nun. Hanggang ngayon umaasa parin kaming magbabalik ang Kapamilya.”

“Kung makakaboto ka na sa next election wag na wag mong ibebenta boto mo sa mga trapong pulitiko. Mamili tayo ng mabuting ehemplong mamumuno.”

“Mga personal vendetta and gains lang ang inisip nila.  They don’t represent their people just their own selfish ambitions and for money.”

“Noon may TV patrol cagayan valley. Lahat kami updated at handa. Ngayon wala. Bago pa man manalasa ang bagyo karamihan ay handa na. Sana maibalik ang ABS CBN talaga.”

Isa lang si Nikki sa mga celebrities na nagpahayag ng kanilang saloobin sa gitna ng nae-experience ng mga Filipino ngayong panahon ng kalamidad.

Samantala, mapapanood naman ang A2Z sa Analog Ch. 11 at pati na rin sa digital TV boxes kagaya ng TVplus.

Isa si Nikki sa natuwa na available na sa digi box ang A2Z.

Read more...