True ba, Derek Ramsay, Andrea Torres hiwalay na?

HIWALAY na ba sina Derek Ramsay at Andrea Torres pagkatapos ng mahigit isang taong relasyon?

Palaisipan kasi sa netizens kung bakit in-unfollow ni Andrea si Derek sa kanyang Instagram account at tinanggal na ang lahat ng mga larawang magkasama sila.

Ayon sa aming source, nagkaroon umano ng matinding away ang dalawa na hindi pa naaayos hanggang ngayon.

Bale isang buwan pa lang ang nakararaan nang aminin ng magkasintahan na handa na nilang i-level up ang kanilang relasyon sa programang “Mars Pa More” nina Camille Prats at Iya Villania.

Nagkalapit sina Derek at Andrea nang magsama sa teleseryeng “The Better Woman” na isa raw sa naging dahilan kung bakit nahiwalay ang aktor sa long time girlfriend nitong si Joanne Villablanca kahit napag-uusapan na rin nila ang kasal.

Inamin ng dalawa na nagkamabutihan sila noong Setyembre, 2019 at sa katunayan ay may sarili pa silang YouTube channel ngayon, ang AnDrek Vlogs na mayroong 284,000 subscribers.

Ang huli nilang post ay nitong Setyembre, 2020 na umabot na sa 138,000 views para sa unboxing solar light.

Ayon pa sa tsika sa amin ay bago lang ang gusot ng dalawa dahil nitong Nob. 5 ay naka-post pa sa IG account ni Derek na dumalaw  si Dra. Vicki Belo sa bahay niya para sa home visit episode vlog ng anak na si Scarlet na may titulong “Visiting Derek Ramsay’s Home (Exclusive Peek at His Car Collection!).”

Tinanong ni Dra. Belo ang aktor kung dream house na ba niya ito at ang sagot ay, “I want to start my family here.”

Sabay focus kay Andrea na naroon din kaya tinanong din ito kung magaling na siyang maglaro ng golf, “He’s training me (maglaro ng golf), gusto kong maging Tiger Torres,” sabi ng dalaga.

Malapit kasi sa golf course ang bahay ng aktor at sabi niya ay pangarap daw ng aktres na maging Tiger Woods.

Anyway, bukas ang espasyong ito para sa paliwanag nina Derek at Andrea. Hintayin na lang natin kung itatanggi nila ang balitang ito o aaminin kung ano ang totoo.

Read more...