Netizen sinopla ni Heart: Hindi kailangan ng camera bago tumulong

NAGBENTA na rin ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ng kanyang designer clothes para makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Heart ang isang Filipiniana dress mula sa old collection ng kanyang hand-painted clothes from designer Mark Bumgarner na naibenta niya ng P20,000.

Aniya, lahat ng kikitain sa kanyang auction ay diretsong mapapakinabangan ng mga typhoon victims.

Maraming pupuri at nagpasalamat sa ginagawang relief efforts ng Kapuso star para sa mga kababayan nating nasalanta ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Pero may ilan ding netizens ang nangnega kay Heart sa kabila ng mga ginagawa niyang pagtulong kaya naman nag-post siya ng message para sa lahat mga taong namba-bash sa kanya.

“Don’t expect everyone to like you.

“This is the most impossible task in this world but know this — they may not see your heart today, but one day when you pass, they will know the goodness of your heart — that’s just how it works.

“The only important audience to impress is God. Good am,” pahayag ng misis ni Chiz Escudero.

Bago ito, sinagot din ni Heart ang ilang haters niya sa social media lalo na sa mga nagtatanong kung ano ang ginagawa niya ngayon para makatulong sa nasalanta ng kalamidad.

“It’s okay to create awareness. It’s okay to help get the word out, but my points in heaven are far more important to me than likes on IG–this is my personal choice,” sabi pa niya.

Dagdag pang hugot ng aktres, “Camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help.”

 

Read more...