Paano patatahimikin si Kris?

Lito Bautista, Executive Editor

PALALAMPASIN na sana natin ang pangilan-ngilang text comment ng readers ng Bandera, lalo na sa Mindanao, kay Kris Aquino.  Gapatak pa lang, hanggang sa tulo na ang daloy.
Nang dumaloy na ay kailangan na nating ibahagi ito sa inyo.
Nababahala ang mga loyalista ng Bandera sa Mindanao sa di pinag-iisipan at walang pakundangang bitaw ng salita ni Kris, lalo pa ngayong nangangampanya ang kanyang kuya.  Di nila tanggap ang pahayag na kaya ganyan si Kris ay dahil si Kris yan.  Hindi nga katuwiran yan.
Dahil ang panguluhan ang hangad ng kuya niya.  Kung ngayon pa lang ay nakagugulo na si Kris sa kuya niya, paano pa kaya kung maging pangulo na ang kuya niya?
Hindi palalampasin ng mga kritiko, miyembro ng Gabinete, mga opisyal ng gobyerno, media at taumbayan ang pananaklesa ni Kris.  Mas lalong di ito palalampasin ng militar.
Tama si Neni, ng Bacuag, Surigao del Norte.  Hindi makatutulong si Kris kay Pangulong Noy.  Posible pa bang magbago ang ugali ni Kris?

Bandera, 031610

Read more...