Happy ako pag may taong happy…kung happy ka, happy din ako para sa ‘yo

ISA sa mga na-realize ni Kim Chiu sa panahon ng pandemya at sa sunud-sunod na kalamidad na nangyayari sa bansa ay kung ano ang ibig sabihin ng “tunay na kaligayahan.”

Ayon sa Kapamilya actress, sa dami rin ng mga pinagdaanan niyang pagsubok ngayong 2020 ay natuto talaga siyang maging mas matapang at maging palaban sa mga hamon ng buhay.

“Ang daming realizations. Saan natin sisimulan? Parang this year, I’ve learned so much.

“Nakilala ko yung sarili ko and I’ve learned na puwede pala yung mga bagay na ganito na gagawin mo sa bahay and then I also learned na yung mga bagay dati na mga expensive stuff, signature bags, luho mo, it’s not that important naman pala,” simulang pahayag ni Kim sa isang interview.

Patuloy pa niya, “The most important is your circle, your family, your friends. Yun yung mahalaga. Yung tao na nandiyan sa iyo kasi yung materyal na bagay it’s nothing.

“Ngayon kapag pumupunta ako ng grocery (ang binibili ko) yung mga kailangan ko lang. Hindi na yung mga extra-extra. Yung kung ano yung importante, yun ang natutunan natin this year eh.

“It is to have a good family, a good circle that will keep your sanity and yun lang. Alam natin yung main priority natin. So, nasa tamang path na tayo in the next coming years,” lahad pa ng “It’s Showtime” host.

Sa tanong kung ano ang mas nagpapasaya ngayon sa kanya, “It makes me happy to see someone happy. Parang happy ako pag may nakikita akong taong happy. Yung parang yun na, naha-happy na rin ako pag happy ka.

“Parang pangit pakinggan pero happy ako pag may taong happy kasi kailangan natin maging happy for each other dahil yun ang kailangan natin di ba? Yung support. So kung happy ka, support kita so happy din ako para sa iyo.

“And then not everyone can smile and yung parang genuine smile and genuine happiness dahil sa ilalim du’n meron at meron tayong pinagdadaanan but we’re very thankful na kahit paano we are able to smile and we were able to feel na happy tayo.

“So nakaka-happy lang yung ganu’n. I’m happy to see everyone happy,” mensahe pa ni Kim Chiu sa madlang pipol.

Read more...