NA-BAD trip din si Angelica Panganiban nang mabasa ang nag-viral na learning module mula sa isang teacher kung saan tinawag na “obese” si Angel Locsin.
Ipinagtanggol ng dalaga ang kaibigang TV host-actress laban sa mga body shamers partikular na nga sa kontrobersyal na guro mula sa Occidental Mindoro na lantaran daw na nambastos kay Angel.
Sa nasabing module, ibinigay na example ng teacher sa kanyang Physical Education subject si Angel bilang “obese” na laging kumakain ng “fatty food” at walang ginawa kundi manood lang ng TV sa bahay.
Ito naman ang naging reaksyon ni Angelica sa issue, “I don’t think nakaupo lang si Angel sa bahay niya at nanonood ng TV.
“Busyng busy po siya tumulong sa mga nasalanta. Bakit hindi kayo dun mag focus? Sa kabutihan ng isang tao, lalo na ng kalooban niya,” pagtatanggol pa niya kay Angel.
Ang tinutukoy ng dalaga ay ang ginagawa ngayong relief mission ng kaibigan para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses at iba pang mga nagdaang kalamidad.
Kahapon, humingi na ng paumanhin ang Department of Education sa Occidental Mindoro matapos umani ng batikos ang ginawang module ng isa nilang guro.
“We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident. The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments.
“This Office had already communicated with the concerned teacher and gathered facts from him. Rest assured that this matter will be given serious attention. Meanwhile, we appeal to the public to spare him from any ad hominem attacks as this single mistake will not define him as a person,” sabi sa official statement ng DepEd.
Pero hindi nga nagustuhan ni Angel ang ilang bahagi ng statement, aniya, “I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.
“I intended to ignore this issue, but when I read DepEd’s statement, aba teka lang.
“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.
“Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?
“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo nakasalalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan.
“The said teacher should apologize to his students and all the students that read the module.
“I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them,” sey pa ng aktres.