BINATIKOS sina Arnold Clavio at Ali Sotto dahil sa kanilang comment sa kanilang radio show for being insensitive.
The video clip surfaced on Twitter wherein in-interview ng dalawa ang isang resident ng Provident Village sa Marikina.
Tila hindi buo ang interview dahil putol na ito kaya nega talaga ang dating nito sa mga nakapanood.
“Ba’t diyan pa rin kayo alam n’yo nalubog kayo noong Ondoy?” say ni Arnold.
“Hindi mo ba natanong Angela, kumusta nu’ng Ondoy?” say naman ni Ali.
Ang daming nag-react sa video na iyon. Lahat sila ay bumatikos kina Arnold at Ali.
“Mga walang puso. Nakakahiya kayo. Sana kayo ang nakaranas.”
“Hindi madaling lumipat at maghanap ng titirahan. Tsaka dapat talaga nagtatawanan pa habang kinakausap yung nasalanta?”
“Dapat sa mga yan tanggalan ng trabaho eh. Hello
@gmanetwork @gmanews nakakasuka, tanggalin niyo na yan sa serbisyo.”
“Wow huh arnold clavio may pera ba sila? Be sensitive naman. Hindi lahat ng pilipino kara karaka ay may pera para lumipat ng titirahan kung saan saan…juice coloured patawarin ang mga ito. bigyan nyo ng lupa na meron kau.”
“Kaloka po si Arnold Clavio at yung kasama niya. Bigyan niyo po kaya ng pera pambili ng bahay yung mga tao!”
“This video reeks of privilege and I am extremely disgusted. Arnold Clavio and Ali Sotto should be ashamed of themselves.”
“Wow. Nabahaan na nga ganun pa sabihin? wtf!!! Buti kayo madami pera pambili ng lupa at bahay.Naisip niyo ba yan? Hindi lahat katulad ninyo.”
“TOTOO BA? Lumapit sa inyo for help, gaganyanin ninyo! Ang lala niyo!”
“Tumawag sa inyo yung tao to ask for help not to be blamed! It’s not easy to look for another place to live!! What kind of journalism is this?! And why Arnold Clavio is still in news after grooming a minor before?”
Any reaction, Arnold and Ali? Hihintayin namin ang inyong reaction about this.