SUMAKABILANG-BUHAY na kaninang tanghali, Nob. 15, ang tatay ng singer-songwriter na si Ice Seguerra matapos makipaglaban sa prostate cancer.
Matagal nang may sakit ang ama ni Ice pero nitong Marso ngayong taon lang niya ito isinapubliko.
Narito ang Instagram post ni Ice tungkol sa malungkot na balita, “Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso ‘Dick’ Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipag videoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra.
“An awesome father, husband, brother, lolo, friend, leader; he has touched many lives by his kindness, gentle support and most of all, his sense of humor.
“We will post details of his wake as soon as we have finalized the details. Thank you for all your prayers, good thoughts, and deeds that you’ve shown our family.
“Makakapahinga ka na, OG Pogi. No more pain.
“We love you always and forever, Daddy,” pahayag ni Ice gamit ang hashtag #flyflyaway.
Matatandaang nitong Okt. 30 ay kinausap na sila ng ama at “handa” na raw siya at kasabay nito ay nag-post si Ice ng larawang binebendisyunan na ng pari ang daddy niya.
Post ni Ice noong Okt. 30, “Namu Amida Butsu!
“My heart is full of love and joy in these moments I get to spend time with my dad. He is nearing the end of his life but it is a life well lived. He knows he is loved by his family and friends.
“Tinawag niya kaming lahat nung isang araw, handa na raw siya. He talked to all of us, with so much love and gratitude. Pagkatapos nun, ang sabi niya sa aming lahat, ‘masaya ako’. At masaya rin kami dahil wala kaming ibang hangad kundi maramdaman niya ang kaligayahan. He deserves that.
“At this moment, we’re making beautiful memories together. Walang patid na tawanan, kwentuhan, kantahan at siyempre minsan may iyakan. Pero magkakasama kami. At iyon ang pinakamagandang regalo sa aming lahat. We’re spending our happiest days, together.
“Happiness, something that people say is hard to find, is just within all of us. Sa ano mang parte ng ating buhay, kaya natin makamit ito. Let go of past hurts, accept that nothing is permanent, and most of all, live in the moment.
“Please send good thoughts to my dad and our family. We appreciate all the love, good words and good deeds that is coming our way.
“Live and love in the moment, always.”
Samantala, bumuhos naman ng mensahe ng pakikiramay mula sa mga taga-industriya at netizens para sa pamilya ni Ice.
Mula sa BANDERA, nakikiramay kami sa buong pamilya ni Ice Seguerra at Mommy Caring.