Direk Cathy iyak nang iyak habang humihingi ng tulong; Bretman Rock bumanat sa gobyerno

UMIIYAK na humingi ng tulong ang box-office director na si Cathy Garcia Molina para sa lolo at lola niyang nasa Cagayan Valley na nasalanta rin ng bagyong Ulysses.

Nitong Nob. 13 lang pumutok sa social media na mala-Pacific Ocean na ang ilang barangay sa Cagayan at Isabela dulot ng bagyo na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Base sa panayam ng “TV Patrol” kay direk Cathy ay hindi siya mapakali gabi palang ng Nob. 12 dahil hindi na niya makontak ang lolo at lola niyang nakatira sa bukid, malapit sa ilog ng Barangay Capatan.

Aniya, “Yung Lola ko pilay, hindi siya nakakalakad nang normal tapos they are senior citizens. Inilikas sila. Si Lola dinala sa isang bahay, si daddy maano sa gamit, bumalik siya at itinaas yung gamit.

“Ngayon si Lola ‘yung tuloy-tuloy ‘yung pagtaas ng tubig, isinakay siya sa bangka. Habang bumibiyahe siya nakita niya si daddy at sinabi niya na du’n na lang ako sa asawa ko. Mas pinili kasi ni daddy na ‘wag pumunta sa maraming tao kasi COVID din,” kuwento ni Direk.

Kinaumagahan ng Nob. 14 ay nakitang marami silang alagang hayop na wala ng buhay.

“Kaninang umaga (kahapon) kinumusta namin, bumaba naman na raw. Hanggang bewang sa kusina nila, nalunod na ‘yung mga goats. ang nakaligtas ‘yung baboy, ‘yung mga aso at kambing wala na,” kuwento pa ng direktora.

Sabi pa ay hindi raw nag-abiso ang pamahalaan na magpapakawala ng tubig mula sa dam kaya nagulat sila sa mabilis na pagtaas ng tubig sa lugar nila.

* * *

Bukod kay direk Cathy Molina, isa rin ang Filipino-American influencer na si Bretman Rock ang humiling ng panalangin para sa mga kababayan niya sa Cagayan na hometown niya.

“Praying for my Home Town in the Philippines, we were struck with 4 typhoons and childhood home is literally submerged underwater.

“I know there are so many things happening in the world right now but I just thought I would bring some awareness to this #prayforcagayan,” post niya sa kanyang Instagram stories.

“I grew up there and so the past couple of days, they have been struck by many typhoons and I know there’s more on the way and my town is literally submerged underwater.

“I’ve been seeing a lot of videos on Twitter literally crying and begging for help and it’s just so crazy to me because those are literally my people, people I grew up around, and people from my town. Before I went on set today I was crying and crying because I just couldn’t fathom how crazy it must be at home.

“I’m not asking you guys for donations; I am really not. I am just really trying to shed some light on it and share some awareness.”

At sa hiwalay na post ay nabanggit niyang tila walang ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas sa sunud-sunod na kalamidad.

“What’s really interesting about that is that the government in the Philippines is not doing anything about it. I don’t wanna get in trouble but the government has just really been acting like nothing is going on and it’s just so crazy to me, honestly. That’s all I’m gonna say ‘cos I don’t wanna get in trouble,” aniya pa.

Read more...