‘DOTS’ ng DongJen rarampa na sa Netflix ngayong araw: More projects for Pinoy talents


NGAYONG araw na mapapanood ang Kapuso internationally-acclaimed drama na “Descendants of the Sun” sa Netflix Philippines.

Ito ang kauna-unahang serye ng GMA na rarampa sa Netflix Philippines kaya naman super proud ang buong production nito, lalo na ang direktor ng programa na si Dominic Zapata.

“The first time I found out I felt thrilled. It’s great to have our show on Netflix,” aniya.

“Honestly, I’ve never put much weight on being called a director. With my collaborative style of work, I feel I merely represent a whole team of very talented individuals.

“We also need to credit a good part of this recognition as well to all the people who inspire us in our work, our loved ones and our families, and of course the viewing audience that has allowed television to grow to what it is today,” pahayag pa ni Direk Dom.

Ito’y pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes as Big Boss at ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na gumaganap bilang si Beauty.

The series is well-loved by both local and international fans dahil nito lang nakaraang Agosto, nanalo ito bilang first-ever Philippine TV program na nakatanggap ng Most Popular Foreign Drama of the Year award mula sa 15th Seoul International Drama Awards.

Bukod dito, natanggap din ni Dingdong Dantes ang bonggang  Asian Star Prize sa nasabing annual global festival.

Of course, tuwang-tuwa si Dingdong dahil mapapanood na rin ang serye nila sa Netflix, “Kasi mas magkakaroon na ng wider reach ’yung audience, mas nakakarating sa malalayong lugar ’yung trabaho natin because of the platform, mas nagka-access ’yung maraming viewers.

“Hopefully more projects for Filipino talents. We do it one step at a time,” sabi pa ng Kapuso actor.

Bukod kina Dong at Jen, kasama rin sa “DOTS PH” sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis with Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, Bobby Andrews,Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala at Prince Clemente.
Nasa serye rin sina Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Hailey Mendes, Marina Benipayo at Roi Vinzon.

Ayon sa GMA, ngayong araw, Nov. 13, 30 episodes ang magpi-premiere sa Netflix Philippines, and five new episodes will launch on the service each Friday after until New Year’s Day in 2021.

Read more...