Sa personal naming panayam sa dalawang komedyante nang mag-guest kami sa segment nilang “Bawal ang Peyk News” kasama ang mga katotong Mel Navarro, Mildred Bacud at Roldan Castro ay nabanggit ng dalawa na ang saya sa set nila dahil nga makalipas ang maraming taon ay muli silang nagkatrabaho.
Say ni Janno, “Sobrang enjoy kami kasi dati kaming magkasama noon ni Anjo sa sitcom pero nagkasama rin kami sa Eat Bulaga, it’s really ako, for me ‘yung mag-host ulit kasi matagal na akong hindi nagho-host.
“Usually pag-aartista na lang ang ginagawa ko, so hosting is one of my first love and I’m happy to be back and more special kasi kasama ko ang isa sa matalik kong kaibigan.”
Sundot naman ni Anjo, “Kahit kasama ko si Janno sa Eat Bulaga, siyempre pag sinabi mong Eat Bulaga, Tito, Vic and Joey ‘yan, so kami pag nag-host kami, support hosting kami.
“Unlike dito (Happy Time), hindi naman sa pagyayabang tatlo kami rito, si Kitkat so, kami na ‘yung main host. First time na kami ang magdadala ng show na hindi katulad dati na we support Vic and Joey kaya iyon ang pagkakaiba kaya happy kami.
“At happy din kami kasi kapag nagbabasa kayo ng comments ng Happy Time, I think 90% above ay happy sila,” sabi pa ni Anjo.
“Aminado naman kami na challenge ito dahil apat na kaming noontime shows (It’s Showtime, Lunch Out Loud at Eat Bulaga) magiging lima pa dahil magkakaroon ang PTV4.
“Although among the noontime shows na kasabay namin, kami ‘yung hindi pressured sa rating. Kasi ABS-CBN established na sila, lalo na GMA, TV5 alam naman nating lahat bukod sa PBA mataas ang rating, e, matagal na ring established ang TV5 kasi marami na rin silang shows.
“Ang NET 25, matagal na rin sila kaso first time nilang magkaroon ng commercial programs like Ang Daigdig Ko’y Ikaw, Kesaya-Saya musical sitcom first time to, Tagisan ng Galing, ‘yung Unlad ni Binoe (Padilla). So as commercial station, fairly new sila. We are exploring at the same time, creating new shows,” paliwanag pa ng komedyante.
Dagdag pa ni Janno, ang pagkakaiba nila sa ibang kasabayang noontime shows ay ang “Happy Time” ang pinaka-wholesome.
“Because of NET 25, but it’s not all INC (Iglesia Ni Cristo), it’s not owned by INC but most members of it, part of INC. It’s a business corporation. May mga hindi hindi INC na member ng board but most are INC members, so as much as possible, we try to adhere para hindi naman kami maka-offend sa mga members na INC.
“So we try to keep it wholesome, masaya kami na puwede kaming panoorin ng lahat kahit mga bata,” aniya pa.
Inamin din nina Janno at Anjo na hindi sila live everyday dahil kailangan ang mga contestants na pinara-rapid test nila (sagot ng NET 25) ay sabay-sabay na para isahang araw ng tapings. Sa isang araw ay umaabot sila ng 2 to 3 taping per episode.
“Mas higher ang risk kapag live po, pag taping isasama na lahat ‘yun isang araw. So kung twice a week kami magte-taping sila ‘yung babantayan namin,” paliwanag ni Anjo.
Samantala, inamin ni Anjo na nagpaalam na siya Eat Bulaga at hindi na nahintay ang 2021. Ayon sa management, hihintayin daw muna na magkaroon ng bakuna at Mayo pa siya walang work at may pamilya siya at mga anak na nag-aaral.