Mark atat nang makita ang itsura ng anak nila ni Nicole; Drew balik na uli sa pagbibiyahe


MARAMI na ang nakaabang sa pagdating ng first born baby ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Kaya naman, laking tuwa ng lahat nang ibinahagi ng dalawa ang sonogram ni Baby Corky sa social media.

Sa recent vlog nina Mark at Nicole, ipinasilip nila sa viewers at fans ang naging experience ng future mommy sa kanyang 4D and Congenital Ultrasound.

Kuwento ng “Descendants Of The Sun” actress, masaya sila na healthy ang kanilang baby.

“4D is where we actually see his face and the congenital ultrasound is where we’ll scan and detect kung may mga early abnormalities. The doctor said na matangos ang ilong at mahaba ‘yung lips niya,” ani Nicole.

Proud naman si Mark sa posibilidad na siya ang magiging kamukha ng anak. Excited na ang engaged couple sa baby boy nila pero sino kaya talaga ang magiging carbon copy nito. Let’s abangers na lang!

* * *

Balik-fresh episodes na ang award-winning travel and adventure program na Biyahe ni Drew (BND) simula ngayong Biyernes.

Ilang buwan na ring natigil sa bahay ang biyaheros! Pero ngayong balik na ang karamihan sa bansa sa GCQ (general community quarantine), puwede na ring bumiyahe sa wakas— siyempre nang may pag-iingat.

Para sa unang “Biyahe ni Drew” post-ECQ, travel with a purpose ang tema ng programa sa Doña Remedios Trinidad o DRT sa Bulacan.

Bago ang lahat, titiyakin ni Drew at ng “BND” Team na susunod sila sa safety protocols. Hindi pa rin nawawala ang COVID-19 kaya doble ingat pa rin dapat sa biyahe.

Ang DRT o Doña Remedios Trinidad sa Bulacan ay halos 2 oras lang mula sa Metro Manila pero may promise of adventure.

Dito, first time mapupuntahan ni Drew ang Thirteen Falls na ipinagmamalaki ng Barangay Camachin.

Ang pagpunta rito ay may kaunting lakad at mayroon ding konting sakay sa 4×4—kaya the best of both worlds, ‘ika nga.  Sa Sitio Armstrong naman, may bagong destinasyon para sa mahihilig sa caving. At sa Kabayunan, masisilayan ang pamosong Sea of Clouds.

Mawawala ba ang kainan sa biyahe? Siyempre hindi. Lalantakan ni Drew ang pinaputok na tilapia sa buho at binalukawang manok—ilan lang sa mga putaheng may kakaibang pangalan pero pamilyar na lasa. Mayroon ding kapeng tinanim at inani mismo sa Barangay Tablak.

Biyahe na ulit with extra ingat sa “Biyahe ni Drew”, tuwing Biyernes, 9:15 p.m. sa GMA News TV.

Read more...