Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 8:00, Miyerkules ng gabi (November 11), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Ulysses.
Nakataas ang orange warning level sa mga sumusunod na lugar:
– Laguna (Mabitac, SantaMaria, Famy, Siniloan, Pakil, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Santa Cruz, Pila, Magdalena, Luisiana, Majayjay, Pagsanjan)
– Rizal(Tanay, Pililla, JalaJala)
– Quezon
– Occidental Mindoro
– Palawan (Cagayancillo, Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Apayao(Calanasan, Conner, Kabugao at Luna)
– Cagayan(Claveria, Pamplona, Peñablanca, Santa Praxedes at Sanchez Mira)
– Isabela (Divilacan, Ilagan City at Maconacon)
Yellow warning level naman ang nakataas sa:
– Metro Manila
– Bulacan
– Cavite
– Batangas
– Laguna (San Pablo, San Pedro, Santa Rosa, Binan, Cabuyao, Calamba, Calauan, Nagcarlan, Los Banos, Bay, Alaminos, Victoria, Rizal, Liliw)
– Rizal (Cainta, Cardona, Taytay, Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, San Mateo, Teresa, Rodriguez, Morong)
– Aurora
– Quirino
– Isabela (Dinapigue, San Agustin, Jones, Echague at San Guillermo)
– Nueva Vizcaya
– Nalalabing parte ng Northern Palawan
– Mountain Province
– Apayao (Flora, Pudtol at Santa Marcela)
– Cagayan (Abulug, Allacapan, Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lasam, Lallo, SantaAna, Santa Teresita at Tuguegarao City)
– Ilocos Norte (Adams at Pagudpud)
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, at Pampanga.
Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Camiguin Island, Abra (Lagayan, Malibcong at Tineg), Cagayan (Tuao), Isabela (Burgos, Gamu at Roxas), Kalinga, Benguet, Ilocos Sur, at Ifugao.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.