Hindi nagustuhan ng grupong Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang naging pagkampi at pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Makabayan Bloc laban sa red tagging dahil ito umano ay malinaw na pagbalewala kay Pangulong Rodrigo Duterte at pagmamaliit sa kakayahan ng militar sa pangangalap ng impormasyon laban sa mga rebeldeng komunista.
Sa Youtube Channel na Banat Balita ng DDS, sinabi ng mga tagasuporta ng pangulo na sa ginawang pagtatatanggol ni Velasco sa Makabayan Bloc ay ipinakikita lamang nitong wala syang nalalaman sa katangiang ng Communist Party of the Philippines at ng armadong grupo nitong New People’s Army.
“Kung talagang kay Pangulong Duterte ka, sumunud ka sa kumpas ni Pangulong Duterte. Hindi naman sila mag-aakusa nang walang ebidensya,” ayon sa grupo.
“Sinasabi mong careless accusations ni General (Antonio) Parlade. Hindi sila careless, puno ng ebidensya. Hindi ka nanonood, wala kang internet? Sanay ka naman gumamit ng cellphone bakit hindi mo tinitignan. Yung Makabayan bloc meron ebidensya ang ating pamahalaan kaya wag ibahin ang usapan itigil ang pagtatanggol dyan,” wika pa ng DDS.
Matatandaan na una nang nagpasalamat sina Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate at Act Teachers Partylist Rep. France Castro kay Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanila laban sa red tagging ni Parlade, ang spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa nyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na sya ay Speaker, ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganito,” ang naunang pahayag ni Castro.
Sa ipinalabas na statement ni Velasco, sinabi nito na apektado siya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa mga myembro ng Kamara.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations,” pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa mga kongresista.
“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,” dagdag pa ni Velasco.
Sinabi ng mga supporters ni Pangulong Duterte na dalawa lamang ang nakikita nilang dahilan ng pagkampi ni Velasco sa Makabayan Bloc, una ay natatakot syang banggain ang CPP-NPA dahil mayroong mga NPA sa distrito nito sa Marinduque o mapapakinabangan niya sa 2022 election ang mga ito.
Hamon ng grupo kay Velasco na patunayan nitong malapit talaga siya kina Pangulong Duterte at Sara Duterte.
“Sinasabi niya na close sya kay Pangulong Duterte at Mayor Sarah pero hindi nya (Velasco) alam na ang mga Duterte mismo ang nagsabi na may kaugnayan ang Makabayan Bloc sa CPP-NPA.
Matatandaan na sa kontrobersiyal na Instagram post noong October 8, 2018 ni Mayor Sarah ay tinawag nitong milking cow ng mga terorista ang partylist system. Ganundin, inakusahan nitong mga terorista at sinungalijng ang Makabayan Bloc na dapat umanong matangggal na sa Kamara.
Noong 2016 sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur ay una na ding sinabi ni Duterte na ilang partylist sa Kamara ay may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa NPA.
Pinabulaanan ng Makabayan Bloc ang mga akusasyong ito.