Sam nabawasan ang pag-aalala sa pandemya dahil kay Catriona: I’m so blessed sa lovelife!

MALAKI ang naitulong ng pagkakaroon ng masaya at makulay na lovelife para mabawasan ang pag-aalala ni Sam Milby sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila nga ng mga kanegahang nangyayari sa mundo, at iba’t ibang pagsubok na hinaharap ng mga Pinoy nananatili pa ring positive ang pananaw si Sam sa buhay.

Ayon sa Kapamilya hunk actor, kahit paano’y nakaka-survive pa rin siya at ang kanyang pamilya, salamat daw sa ABS-CBN at binibigyan pa rin siya ng trabaho.

“Ayaw ko maging insensitive siyempre, my heart goes out sa mga tao, sa buong mundo nitong pandemya, I just feel so blessed to have work and to be comfortable pa rin sa buhay,” pahayag ni Sam sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Dugtong ng boyfriend ni Catriona Gray, “I’m so blessed. First off, happy ang puso ko. I’m blessed sa love life definitely but I’m also blessed sa mga tao sa paligid ko.

“I have great friends and I just learned to appreciate more during this pandemic. I’m grateful to have people in my life even my sister, yung pamangkin ko, church friends ko, I feel so blessed,” lahad pa niya.

Nagpapasalamat din siya dahil maayos pa rin ang kalagayan at kalusugan ng kanyang pamilya ngunit aminado siya na miss na miss na niya ang mga ito.

“My dad kaka-86 pa lang niya. So, I’ve been so worried, I’m lucky na kung saan sila sa Ohio, it’s a rural area hindi masyadong maraming tao but of course ‘yung worry na my dad he’s a bit older na. I can’t go home to see them, so medyo mahirap,” chika pa ni Sam.

Patuloy pa niya, “Not only the challenge of being away sa loved ones ko but the uncertainty of your future. Aaminin natin na this job is not stable.

“Ako 36 na ako, hindi ko alam kung ilang years pa ako sa showbiz and you don’t know in the next few years paano ang trabaho, hindi ba? So that fear of paano na ang future ko,” pahayag pa ng binata.

Dito na nga nabanggit ni Sam na malaking tulong ang pagkakaroon ng special someone para mabawasan ang nararamdamang anxiety dulot ng pandemya.

“Well, lovelife ko. Siya (Catriona) ang una na kakausapin ko. My sister is always been there  and ‘yung mga church friends ko,” sey ni Sam.

Sa isang panayam, ipinagdiinan ni Sam na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na ang kanyang “the one”.

“Siyempre, may difference sa edad namin. Ako, I’m 36. She’s 26, and kaka-start pa lang ng career niya. It’s early, but I do believe she is the one,” paniniguro pa ng binata.

Read more...