MARAMING napatunayan ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Unang-una na riyan ang paghanga niya sa tapang at katatagan ng mga Filipino na talagang sinubok ng sunud-sunod at matitinding pagsubok ngayong taon.
Ayon sa Pambansang Bae, sa kabila ng mga challenges at kanegahang nangyayari sa kapaligiran nananatili pa ring positibo ang kanyang pananaw sa pagdating ng 2021.
“Ang hirap kasi talagang magkaroon ng positive outlook especially given the situation, but ako I forced myself to kasi that’s the only way to go.
“If masyado kong iisipin ‘yung mga nangyayaring hindi maganda around us right now, siyempre bukod sa COVID, bukod sa pandemic marami pa rin naman other issues hindi lang naman ‘yan,” pahayag ni Alden sa panayam ng GMA 7.
“But, I would say yes, I’m really more positive now kasi parang itong pandemic forced us to be more creative in many ways.
“Parang ang dami ko rin na-discover na mga bagay na akala ko hindi ko kayang gawin na kaya ko palang gawin.
“By just you know forcing myself to be more creative para I can utilize my time better, so after this pandemic and kapag nalagpasan natin ito, I’m sure parang ‘yung mindset natin mababago.
“Marami pala tayong puwede gawin, marami palang puwede magawa na sa atin mag-i-start, sa atin magsisimula,” patuloy pang mensahe ng Kapuso Drama Prince.
Samantala, naitanong din kay Alden sa nasabing interview kung anu-ano pang mga role ang nais niyang gampanan sa teleserye at pelikula.
“Ang dami pa. Hindi pa ako nakapag-full time psycho killer, I’ve never done a father role. Ang dami pa, e, there’s so many roles out there.
“Kasi ako talaga parang in life ang acting kasi, since acting you create an augmented reality from actual real people.
“So ang daming personalities, ang daming types of people out there na masarap gawin character in a project. So I think roles are infinite, hindi mo siya mabibilang sa kamay,” lahad pa ng award-winning actor.
Excited na rin ang Kapuso heartthrob sa kanyang “Alden’s Reality” 10th anniversary concert sa Dec. 8, 2020.
Makakasama niya rito ang Asia’s Romantic Balladeer at The Clash judge na si Christian Bautista na siya ring line producer ng concert and produced by Synergy.