Paskong Pinoy tampok sa Disney UK Christmas ad

TRENDING ngayon ang latest advertisement ng Disney United Kingdom kung saan tampok ang kultura at tradisyon ng mga Filipino tuwing Pasko.

Ang nasabing video ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Make-A-Wish Foundation kung saan ipinakita ang traditional Filipino Christmas at ilang kaugaliang Pinoy tulad ng pagmamano.

Nagsimula ang kuwento sa Pilipinas noong 1940 kung saan ipinakita ang isang batang babae na masayang-masayang sinalubong ang kanyang tatay sabay nagmano.

Dito, iniabot nga ng tatay sa anak ang regalong Mickey Mouse stuffed toy na ikinagulat ng bata. Niyakap niya ang laruan — hanggang sa nag-fast forward na nga sa taong 2005.

Ang batang babae sa Pilipinas ay isa nang lola at naninirahan na sa UK kung saan siya naman ang nag-aalaga ng sariling apo. Ipinakita rito ang pagbibigay ni lola ng pag-aari niyang stuffed toy sa apo pati na ang paggawa ng parol.

Fast forward uli: dalaga na ang apo at nawalan na rin ng interes sa mga bonding moments nila ni lola, lalo na ang nakagawian nilang paggawa ng parol. Ipinakita rin ang Mickey Mouse stuffed toy na medyo nasira na.

Nang mapansin ng apo ang kalungkutan ng kanyang lola, gumawa siya ng maraming parol at pailaw para ilagay sa loob ng kanilang bahay. Inayos din niya ang stuffed toy na Mickey Mouse para iregalo sa kanyang lola.

Nagulat si lola nang makita ang mga parol sa kanilang tahanan at maluha-luhang binalikan ang mga Paskong nagdaan noong nasa Pilipinas pa siya kasama ang kanyang pamilya.

Narito ang ginawang paglalarawan ng Disney sa bago nilang Christmas advertisement: “While times change and people grow, beloved family traditions make lifelong memories that cross generations and hold us together, especially over the festive period.

“Lola and her granddaughter share a love of Disney and Christmas crafting, but over time their yearly ritual of making star lanterns begins to fade away.
“Looking back into Lola’s past and seeing her grandmother’s much-loved Mickey Mouse inspires her granddaughter to create a festive surprise that lights up her Christmas morning and renews their special bond.

“We hope you enjoy this special Christmas video, From Our Family To Yours.”

Balitang ipalalabas din ang nasabing touching video sa Europe, Africa, Middle East, Australia, New Zealand, North American at Asia.

Read more...