LDR ‘test of faith & patience’ para kay Glaiza; tambalang Gabbi-Khalil hataw sa GMA

PARA sa lahat ng mga nasa LDR o long distance relationship, siguradong marami kayong tips na makukuha mula kay Glaiza de Castro.

In fairness, talagang bilib ang pamilya at mga kaibigan ng Kapuso actress dahil kahit LDR ang status nila ng Irish boyfriend na si David Rainey ay mas napapatatag pa nila ang kanilang pagmamahalan.

Para kay Glaiza, ang long-distance relationship ay isang “test of faith and patience” at talagang hindi ito madali para sa dalawang taong nagmamahalan.

“Nandito kami sa phase na ito na tina-try namin as much as we can to focus on ourselves

“We’re building our future separately for now, so kapag dumating ’yung tamang time, buong-buo na talaga kami,” pahayag ng dalaga sa unang episode ng GMA Public Affairs’ show na “Share ko Lang.”

Pahayag pa ni Glaiza, dahil sa pitong oras na time difference ng Pilipinas at Ireland, sinisiguro nila ni David na naise-share nila sa isa’t isa ang mga ginagawa nila sa araw-araw.

May mga pagkakataon pa nga na nagpapalitan sila ng video kung saan nakadokumento ang mga nangyayari sa buhay nila. Sa pamamagitan nga nito, parang magkasama na rin sila.

“Sa social media kaya natin i-share even the little things, kung ano ’yung kinakain natin. So why not share to our partner?” pahayag ni Glaiza.

* * *

Nagkuwento ang Kapuso actress- host na si Gabbi Garcia tungkol sa bagong project niya mula sa GMA Public Affairs na “In Real Life (IRL)”.

“I felt so happy, it’s always an honor to work with GMA News and Public Affairs kasi magagaling silang lahat and napakagaan katrabaho lahat.

“I’m happy to be having a show na kailangan nowadays. Kailangan ng release ng mga ka-age ko nowadays. I’m really blessed and happy,” anang dalaga.

“For our pilot episode, we’re going to be talking about adventure, social media, and also gaming. Kasi marami nagge-gaming ngayon ‘eh. Nag-shoot kami sa Tagaytay.

“Lahat naman tayo takot sa virus but we’re blessed na sumsunod sa safety protocols ang GMA. We all got swabbed before working, strict din when it comes to sanitizing and when it comes to location talagang may social distancing,” pahayag pa ni Gabbi sa panayam ng GMA.

“For our first episode si Khalil (Ramos) ang aking guest. Every episode iba’t ibang co-hosts. Ang saya kasi you get to talk to people and hear their insights. Excited ako sa mga susunod pang guests.

“Iba kasi ‘yung experience namin when it comes to acting. When it comes to hosting naman, meron din kaming YouTube channel.

“We do vlogs, so para lang kaming nagba-vlog for IRL. What’s nice about it is it’s so casual. Talagang makikita ng viewers na para lang siyang totoong buhay,” chika pa ni Gabbi.

Inaabangan na rin ngayon ng fans nina Gabbi at Khalil ang unang serye nila sa GMA na “Love you, Stranger”.

Read more...