Marco nagkagusto kay Julia: Minalas siya kasi hindi niya ako sinagot

INAMIN ng hunk actor na si Marco Gumabao na nagkagusto siya talaga noon sa kanyang kaibigan na si Julia Barretto.

Ngunit tulad din ng nararanasan ng karamihan sa atin, masasabing pinagtagpo sila ngunit hindi itinadhana.

Sa Drink and Spill series para sa kanyang YouTube channel, nakasama ni Julia si Marco kung saan napag-usapan nila ang kanilang pagkakaibigan na taon na rin ang binibilang.

Nagchichikahan ang dalawa habang umiinom ng tequila at isa nga sa mga natanong ni Julia sa binata ay kung may pagkakataon ba na nagkagusto ito sa kanya.

“Kapal ng mukha nito. Seryoso ka ba, tinatanong mo iyan?” natatawang sagot ni Marco habang naghihintay naman sa isasagot niya si Julia.

“Oo naman. Pero ito ha, back story lang about it. Before, siyempre, lagi kaming magkakasama sa work, talagang every week yun.

“Three times a week, magkakasama kami, minimum iyon. Siyempre mahihirapan kang hindi ma-attract sa kaibigan mo, ‘di ba?” pag-amin ng aktor.

Ngunit ayon kay Marco, mas pinili nila ng dalaga na maging magkaibigan na lang at hindi siya nagsisisi sa desisyon niya na huwag nang ituloy ang balak niyang panliligaw sa aktres.

“Solid talagang kaibigan si Julia. Minalas siya kasi hindi niya ako sinagot.

“Dumaan naman ako before sa phase na I liked Julia. Bata pa talaga kami noon, 19 siya tapos ako mga 21 yata,” aniya pa.

Inamin ni Julia na noong sabihin sa kanya ni Marco ang feelings nito ay heartbroken siya at hindi pa handang  pumasok sa panibagong relasyon.

“Sinabi ko naman sa kanya na I am so proud of you and it’s so brave of you to tell me how you feel about me, and I appreciate it. At that time, I wasn’t ready yet,” paliwanag ni Julia.

“You know, what’s great about that event happening in our friendship? We were never awkward after that.

“It never really did anything bad for our friendship. In fact, I think it made it stronger. As for him, I told him at that time, I said, I respect you so much,” chika pa ng aktres.

Bata pa lang daw ay magkakilala na sila ni Marco dahil kaibigan ng tatay ng aktor ang isa sa mga kapatid ng nanay niyang si Marjorie Barretto  ngunit naging close lang sila nang maging talent ng Star Magic.

Read more...