Angelica kay Piolo: Hindi mo pwedeng i-offer ang buhay mo sa taong in-offer na sa iba ang buhay niya

SA birthday episode ni Angelica Panganiban para sa online show na #AskAngelica ay inamin niyang pangarap niyang gumanap na lesbian sa pelikula.

Tinanong kasi siya ng Star Cinema managing director na si Ms. Olive “Inang” Lamasan kung ano pang karakter ang nais niyang bigyang-buhay sa pelikula o telebisyon.

Isa si Inang sa mga bumati kay Angge sa kanyang 34th birthday noong Nob. 4.

“Happiest birthday Ange, I love you ‘nak. Puwede bang magtanong, sa rami na ng roles at characters na nagampanan mo, sa rami na ng klaseng pelikulang nagawa mo napakatapang mong babae, napakagaling mong artista, kahit anong role ay hindi mo inuurungan.

“Ang tanong ay, anong role, anong character at anong klaseng pelikula ang hindi mo gagawin. At anong role, anong character at klase ng pelikula na gusto mo pang gawin?”

Birong sabi ng aktres, “Parang ano, para niya akong mini-meeting.”

“Sa role na gusto ko pang gawin, may one time na ginawa ko ‘to for MMK (Malaala Mo Kaya) nag-play ako as a lesbian pero siyempre medyo play safe kasi made for TV.

“I’m sure sa pelikula mas ma-express mo, di ba? Gusto ko parang magbaliw-baliwan. Siguro dahil dream role ko siya magiging metikuloso ka pagdating sa mga ganu’n dahil meron kang gustong ma-achieve. Alam kong ganu’n kahirap at ganu’n ka-challenging kaya gusto ko siya, ganu’n akong klaseng artista, eh.

“’Yung mga ayaw kong gawin, mga nagawa ko na Inang, ha. Ha-hahaha!  Siguro sa ayaw gawin hindi ako ganu’n, eh. Hindi ako nagsasara ng pinto pero siguro ang natutunan ko, ‘wag mong sirain ang friendship para sa isang project lalo na nu’ng nakapagtrabaho ako sa ex (boyfriend) ko parang nanghinayang ako do’n sa friendship meron kami even before starting the film.

“Wala na, nasira na ‘yung friendship kasi napasukan na ng ka-showbizan. Wala na, hindi na siya mare-regain at ang daming na-risk.  Hindi lang siguro sang-ayon ‘yung pamilya ko, ganu’n naman ang respeto ko sa buhay,” paliwanag ng dalaga.

Hindi man binanggit ni Angelica ang pangalan ng ex niya pero halatang si Carlo Aquino ito na nakasama niya sa “Exes Baggage” noong 2018 na idinirek ni Dan Villegas mula sa Black Sheep Productions.

Isa rin si Piolo Pascual sa mga bumati at nagtanong na nakasama ni Angelica sa marami niyang pelikula tulad ng “Mila” (2001), “Jologs” (2002), “Manila” (2007), “Every Breath You Take” (2012) at ang pinag-uusapan ngayong “The Nimfa Dimaano Story Hayop Ka” na palabas sa Netflix.

“Ano ba ang dapat gawin kapag mahal mo pa ang isang tao pero naka-move on na siya? Dapat ka bang maghintay or move on ka na rin?  ‘Yun lang, happy birthday my love, I miss you and ang prayer ko, sana matagpuan mo na ang true love mo, wow!” say ni Papa P.

Ang sagot ng aktres, “Kung hindi ka maka-move on sa taong mahal mo at siya masaya na, para kang tanga, di ba?  Kasi unang-una kapag hindi ka mahal, mag-move on ka agad, walang ganu’n Papa P.

“Hindi ka dapat mag-spend time sa taong hindi kayang mag-spend time sa ’yo!  Hindi mo puwedeng i-offer ang buhay mo sa taong in-offer na sa iba ang buhay niya, so, papa P, mag-move on ka na.”

Sabay biro ni Angge, “Baka naman para sa akin ‘yun kasi mahal niya ako. Kaya mong mag-move on sa akin, marami ka nang pinagdaanan sa life.  Isang Angelica Panganiban ba ang magpapatumba sa isang Piolo Pascual, we’re better of as friends.”

Samantala, nadulas naman si Angge sa tanong ni Vice Ganda kung sinong lalaki ang gusto niyang ma-involve sa kanya romantically.

“Kay Bradley Cooper,” mabilis na sagot ng aktres pero sabi agad ng co-host niyang si Via Antonio, “Dapat local.”

“Sa local wala, meron na ako (biglang kambyo), meron na ako ha. Ha-hahaha! Wala na akong hihilingin pa diyan sa aspeto na ‘yan.  Pero wala okay na ako, hindi ko na kailangan ng ganu’n sa life,” tumatawang sabi nito.

Binibiro naman si Angge ng kaibigan niyang si Patty Yap at tila alam kung sino ang nagpapaligaya ngayon sa dalaga, sagot nga niya kay John Prats sa tanong kung kumusta ang puso niya at sinabing masaya siya ngayon, sabay bironh, “Kung masaya ang pussy, masaya ang puso (habang hawak ang alagang pusa).”

Read more...